Local News

Bayan Muna Congresswoman, Kapatid ng NPA Leader! – Army Official

Kung nitong nagdaang mga araw ay naging mainit ang palitan ng pahayag sa pagitan ng mga makakaliwang kongresista ng Makabayan Bloc at ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Usec. Lorraine Badoy, ngayon ay may mga makatas na pahayag si Lt Gen Antonio Parlade ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Matatandaan na inakusahan ni Badoy sa kanyang mga social media posts ang ilang miyembro ng Makabayan Bloc na konektado sa NPA. Ito ang dahilan kung bakit tila iniipit ng mga leftist congressmen ang pondo ng PCOO. Hinamon naman ni Badoy ang mga leftist congressmen na kundinahina ng mga kabalastugan ng NPA.

Ngayon ay pinakawalan naman ni Parlade ang isang impormasyon laban kay Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat. Ayon sa Army Official, si Cullamat ay may kapatid na lider ng New People’s Army o NPA.

“Rep Culliamat needs to speak out because this budget of the NTF ELCAC might just end the conflict in Agusan and Surigao, which she and her siblings in the NPA have been waging for sometime now.

Rep. Cullamat is the elder sister of Bae Gloria Campos Tumalon who was apprehended last March 19, 2020 in Diatagon, SDS. Her other siblings are Pablito Sinzo Campos, the NPA leader arrested last 2018 in Sibagat, Agusan del Sur, and Emelda Campos Belandres, another NPA leader who is wanted for various crimes,”
pagbubunyag ni Parlade.

Ang NPA ay ang armed-wing ng Communist Party of the Philippines. Ang mga ito ang responsable sa mga pangingikil sa mga kumpanya at panununog ng mga kagamitan ng mga kumpanyang hindi nagbibigay ng pera sa kanilang grupo.

Hinamon din ni Parlade ang mga makakaliwang mambabatas ng debate upang lumabas na ang katotohanan.

“You were being challenged to denounce the CPP NPAs violent atrocities by Usec Badoy.

How difficult is that if you say you are not communists? Let’s end this hypocrisy now without you hostaging our country’s budget.

We have been challenging you to a debate even before the creation of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

What do you stand to lose if you take the challenge?

Lets pursue the truth behind all your attacks and opposition to NTF ELCAC,” resbak pa ni Parlade.

Source: Usec. Badoy | PIA | Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: