Local News

Bayani kahit NPA? Makabayan Bloc Congresswoman, Pinuri pa ang Namatay na Anak!

Imbes na pagsisihan ang hindi magandang pag gabay sa kaniyang anak na naging miyembro ng New People’s Army (NPA), pinagmamalaki pa ngayon ni Bayan Muna Representative Eufemia Cullamat kinasadlakan ng kaniyang anak.

Ang anak ni Rep. Cullamat na si Jevilyn ay nasawi dahil sa pakikipagbakbakan sa tropa ng kasundaluhan. Nagsisilbi itong medic ng mga rebeldeng komunista.

“Mahal ang anak ko na nagmahal sa bayan. Ipinagmamalaki ko siya. Bayani siya ng mga Lumad at ng buong bayan… Ang desisyon niyang lumahok sa armadong pakikibaka ay hindi simpleng bagay, at bunga na rin ng pang-aabusong dinanas naming mga Lumad at ang matinding kahirapan na nasaksihan niya… Bagama’t bilang isang ina ay nag-alala rin ako at masakit ang mawalan ng isang anak, nanaig pa rin ang respeto ko sa naging desisyon ni Jev… Hindi nasayang ang kanyang buhay na inalay niya para sa bayan at para sa pagdepensa ng aming lupang ninuno. Malaking karangalan sa akin na nagkaroon ng isang anak na naging martir at mandirigma… Walang pag-alinlangan kong sasabihin ito: Ipinagmamalaki ko si Jevilyn dahil lumaban siya sa isang sistemang mapang-api lalo na sa aming mga Lumad. Walang nanay na magtatakwil sa anak na nagsantabi ng pansariling interes at nag-alay ng kanyang buhay para sa bayan at para sa pagdepensa sa aming lupang ninuno,” boladas ni Rep. Cullamat.

Na-recover mula sa pinangyarihan ng engkuwentro ay ang mga matataas na kalibre ng baril at mga subersibong mga dokumento ng rebeldeng komunista.

“The CSP teams’ deployment, local government and civilian collaboration to reach and bring public service in the conflict-affected areas greatly countered their recruitment and resource generation making them hungry, exhausted and their morale low. We encourage the remaining CNTs to surrender. Don’t wait for the E-CLIP and the opportunity to peacefully surrender close its doors for you,” sabi ni Lieutenant Colonel Joey Baybayan.

Source: Sunstar | Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén