Local News

Watch! Baywalk sa Manila Bay, BINAKURAN na! Paglangoy, Ipinagbawal na rin!

Matapos pumutok ang balita na paglilinis sa Manila Bay, hindi napigilan ang ilan nating kababayan na bisititahin ang naturang lugar para makita ng kanilang sariling mata ang pinagbago nito. Nitong lang Chinese New Year ay dinumog din ang lugar ng napakaraming tao para doon mag-celebrate ng okasyon. May iba naman tayong mga kababayan na piniling lumangoy sa Manila Bay kahit na ipinanawagan na ng otoridad na hindi pa pwedeng languyan ito. Kaya gumawa na ng hakbang ang otoridad para makontrol na rin ang mga tao sa Manila Bay.

Naglagay na ng orange barriers ang mga kinuukulan para mag-bigay daan sa todong rehabilitasyon ng Manila Bay. Nagpaskil na rin ng mga posters para paalalahanan ang publiko na hindi pa pwedeng languyan ang dagat dahil hindi pa lubusang nalilinis ang Manila Bay.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin.

“Ang dapat sa buong kahabaan ng Manila Bay beach front ay baruran ng pansamantala habang ginagawa ang paglilinis ng Manila bay waters. Hanggat hindi ito binabakuran ay hindi titigil ang ilan nating mga kababayan na likas na yata ang katigasan ng ulo at pagiging walang displina. Paano malilinis iyang Manila Beach front na yan kung dinadagsa naman ng mga tao na nagkakalat at nagdudumi diyan. Pwede rin na itong mga taong pumupunta diyan ay mga bayaran ng mga kalaban ng gobyerno at walang gustong gawin kung hindi isabotahe ang magandang plano ng gobyerno na linisin ang Manila bay beach front. Pwede kasing “kumitang pangkabuhayan” na naman ito ng mga taong bayaran at uutusan silang pumunta duon para magkalat upang ipakita na hindi epektibo ang gigawang paglilinis ng gobyerno. Put a tall perimeter fence on the whole stretch of Manila bay beach front to prevent public from going there. This will also give the local governments in and around Manila bay waters to clean and rehabilitate the creeks and rivers in their areas flowing to the Manila Bay…With the tall perimeter fence installed in the beach front, the government together with the LGU can initiate plans to rehabilate, improve and beautify the areas around Manila beach front,” sabi ni D. Roman.

“Ang daming pasaway…..pag sinabing rehab muna.pahingahin nyo nman ang kalikasan….yong mga pasaway yan dapat ang eg ReHab..,” sabi ni D. Robert.

“Talagang wala tyong disiplina. Matitigas mga ulo, d makaintindi, mga pasaway. Pag nadisgrasya iba sinisisi. ,” sabi ni R. Escoto.

Source: ABS | GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén