Local News

Biden, Tinawag ang Atensyon ng Pilipinas Ukol sa Human Rights ayon sa German State Media!

Sa video clip na ibinahagi ng isang kababayan natin, mapapanood ang news anchor ng DW News na ibinabalita ang mga magiging hakbang ni US President-Elect Joe Biden sa mga kaalyadong bansa nito. Tutulong lang daw si Biden sa mga bansang mangangako na magtataguyod sa demokrasya at karapatang-pantao. Ayon sa DW News, tinawag na raw ni Biden ang atensyon ng ilang bansa kabilang ang Pilipinas pagdating sa nasabing usapin.

“Biden says he will only offer US support to countries who make commitments to democracy and human rights… He already started calling out allies like Turkey, the Philippines and Hungary, for what he says are polocies moving towards authoritarianism,” sabi ng newscaster ng DW.

Ipinakita din sa naturang programa ang talumpati ni Biden ukl sa demokrasya.

“As president, I want to ensure that democracy is once again the watchword of US foreign policy… We only have one opportunity to reset this democracy after Trump,”

Ang Deutsche Welle o DW ay public state-owned international broadcaster ng Germany.

Narito po ang buong video mula sa DW News.

Source: DW News | 2

Leave a Reply

Theme by Anders Norén