Local News

Bigyan din si Leni ng Kapangyarihan para Mag-Appoint ng DILG, PNP, PDEA Chief – Liberal Party Congresswoman

“Kung puwede sana, puwede na mapili ang mga heads ng mga importanteng ahensya tulad ng PDEA at DILG why not?”

Para kay opposition Liberal Party (LP) stalwart at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, kung sinsero daw talaga ang palasyo sa pagtatalaga kay VIce President Leni Robredo dapat bigyan ito ng sapat na otoridad para maisagawa ang trabaho.

“Sabi naman po ng Sec. (Salvador) Panelo, ito naman po ay sincere offer. So sa aking palagay ng sincere offer, ibig sabihin siya ay mabibigyan ng sapat na resources at sapat na power para magampanan niya effectivelty ang function na ‘yan,” sabi ni Congresswoman Quimbo.

Giit pa ng mambabatas kailangan mabigyan si Robredo ng pagkakataon para makapamili ng mga tao na tutulong sa kanya sa kampanya kontra-droga.

“At sana naman ito, personal na opinion, sana meron din siyang leeway para piliin ang mga kasama niya kanyang team—puwede niyang dalahin ang kanyang mga tauhan halimbawa,” dagdag pa ni Quimbo.

Magugunita na inalok at hinamon ni Pangulong Duterte si Robredo na pangunahan ang kampanya kontra-droga ng gobyerno. Nag-ugat ang hamon ni Pangulong Duterte sa pambabatikos ni Robredo sa giyera kontra-droga ng pamahalaan. Kahapon ay inilabas ng Malacañang sa media ang memorandum na nagtatalaga kay Robredo bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). Ngayong araw ay tinanggap na ni Robredo ang posisyon.

“Kung iniisip niya na sa pagpayag na ito ay tatahimik ako, nagkakamali siya… Alam ng Pangulo kung ano ang posisyon ko sa drug war: tutol ako sa pagpatay ng mga inosente, kontra ako sa pang-aabuso ng mga opisyal. Alam niya ang aking mga puna. Alam niya ang mga balak kong ayusin… Mr President, dalawa’t kalahating taon na lang ang naiiwan sa iyong administrasyon. Hindi pa huli ang lahat. Puwede pa nating pagtulungan ito,” boladas ni Vice President Robredo

Source: Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén