Local News

“Bigyan ng Prangkisa ang ABS-CBN!” Europe Parliament, Sinabihan ang Philippine Govt!

Ipinasa ng European Parliament ang isang resolusyon para ipinawagan na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Nakasaad sa resolusyon ng mga banyagang politiko na naaalarma na daw sila sa lumalalang lagay ng press freedom sa Pilipinas.

“[The parliament] recalls that press freedom and freedom of expression are fundamental components of democracy; calls on the Philippine authorities to renew the broadcast licence of the main audio-visual group, ABS-CBN,” sabi ng EU Parliament.

Magugunita na tumigil sa operasyon ang ABS-CBN noong ika-5 ng Mayo matapos mapaso ang prangkisa nito noong umpisa ng nasbing buwan. Kalaunan ay ibinasura naman ng kongreso ang franchise application ng istasyon dahil sa mga sari-saring isyung kinasasangkutan nito tulad ng labor issues, tax avoidance scheme, atbp.

Nagbanta pa ang EU Parliament na babawiin nila ang Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) na iginawad sa Pilipinas. Ang GSP+ ay insentibo sa mga bansang nag-e-export ng produkto sa mga miyembrong estado ng EU. Sa nasabing insentibo, maaaring mabawasan ng husto ang buwis na babayaran ng mga bansang nag-e-export.

“the European Commission, in the absence of any substantial improvement and willingness to cooperate on the part of the Philippine authorities, to immediately initiate the procedure which could lead to the temporary withdrawal of GSP+ preferences,” dagdag pa sa resolusyon ng EU Parliament.

Rumesbak naman si Presidential Spokesperson Harry Roque sa tinatangka ng EU Parliament.

“Kung gusto nilang dagdagan ang pahirap ng sambayanang Pilipino sa panahon ng pandemya, so be it. We will accept that as history repeating itself,” presidential spokesperson Harry Roque said in an online briefing…

Tama na ‘yang mga diskusyon na ‘yan. Gawin nila ang gusto nilang gawin. Sa mga panahon na ito if they want to implement it, go ahead! They will be the biggest contributor to the violation of the right to life in the Philippines…

Ang karapatang pantao ay pinangangalagaan po, lahat ng biktima ng ‘di umano’y karahasan at karapatang pantao ay merong remedyo sang-ayon po sa lokal na batas at Saligang Batas ng Pilipinas,” banat ni Roque.

Source: Inq | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén