Local News

Bikoy Videos, Na-Published Gamit ang Computer Server ng Kilalang Catholic University

Ibinunyag ni Solicitor General Jose Calida na ang video series na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist” ay inilathala gamit ang server ng Ateneo de Manila University.

Ang mga naturang videos ay lumabas noong panahon ng kampanya. Sa video, idinadawit ang mga kapamilya at malalapit na tao kay Pangulong Rodrigo Duterte sa droga.

“Thereafter, the ‘Ang Totoong Narco-List’ videos were released online. They were all released using the server of Ateneo de Manila University where Respondent Peter Joemel Advincula was safely housed and hidden,” sabi ni Calida.

Ang pahayag ni Calida ay sinegundahan ng affidavit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, ang lalaking na nagsasalita sa nasabing video.

“Ginamit ko ang main server na may SSID na Guest 1 na naka attach sa Management Information System ng ADMU sa loob ng Room 2C, ADMU University Dorm, Faculty Housing, ADMU Compound na inuupahan noon ni Father Alejo,” sabi ni Advincula.

Ayon kay Advincula, ginawa umano ang mga black propaganda videos sa Jesuit Communications Building (Jescom) sa Ateneo. Mayroon din daw siyang mga resibo ng pagbili ng mga gadgets na ginamit sa paglika ng mga videos.

Ilan sa mga inireklamo ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group na sangkot sa Bikoy videos ay sina Vice President Leni Robredo, ilang kilalang personalidad sa oposisyon, ilang abogado at opisyal ng Integrated Bar of the Philippines at matataas na opisyal ng simbahang katolika.

“Could Advincula, a criminal runaway without a penny to his name and with just a high school diploma, stage the grand scheme Project Sodoma all by himself, and use and manipulate respondents – who are some of the highest officials of the land, the alleged seasoned litigators and practitioners of the legal profession, the clergies of the Catholic Church as his unwitting, unsuspecting, and innocent pawns in his own macabre game of thrones?” dagdag pa ni Calida.

Source: Rappler

Leave a Reply

Theme by Anders Norén