Local News

Bilang ng Cell Sites ng DITO 3rd Telco, Dumami ng 400 Porsyento!

Sa artikulo ni Miguel R. Camus, ibinahagi nito ang nagawa ng Dito Telecommunity sa loob ng 3 buwan lang. Ayon sa kaniyang ulat, mula 300 na cell sites na mayroon ang ikatlong telco noong Hulyo ay pumalo na ang mga nakumpleto nilang cell sites sa 1,532. Ito ay higit 400 porsyentong pagtaas sa loob lang ng ilang buwan. Plano pa ng Dito na magtayo ng karagdagang 2,200 cell sites bago mag Hulyo ng 2021 upang mapagsebisyuhan ang kalahati ng populasyon ng Pilipinas.

Ayon sa opisyal ng Dito Telecoms na si Rodolfo Santiago, handa na raw silang kumpetensiyahin ang PLDT at Globe.

Ang 3rd telco ay isa sa mga pinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga Pilipino. Layon ng Presdiente na mabigyan ng maayos na telecommunication service ang Pilipinas sa ilalim ng kaniyang termino.

Magugunita na noong Hulyo 2019 ay binigyan ng Duterte Administration ang Dito Telecoms ng License to Operate.

“Today, I am glad to announce the entry of a new player that will take on the challenge of competing against the existing players in our country’s telco industry. This new player is the Mindanao Islamic Telephone Co. or Mislatel consortium… ccompanying this bond is a commitment—and I will hold you to that commitment—that it will improve the country’s prevailing Internet speed from 4.5 Mbps to 55 Mbps,” sabi ni Pangulong Duterte.

Ang Dito Telecommunity ay ang bagong pangalan ng Mislatel consortium.

Narito po ang ilan lang sa mga milestone ng Dito Telecommunity na nakapaskil sa kanilang website.

– The first domestic and international phone and video calls were made in March 2020, two months ahead of schedule and despite the global pandemic.

– The DITO core network is in place and continues to be enhanced and reinforced.

– Manpower ramp up, from 100 employees at the start to more than 300 and counting!

– Preparations are underway for the Friendly User Test this 4th Quarter of 2020

Source: Inquirer | Eagle News | DITO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén