Local News

Bilis ng Internet sa Pinas, Bumilis Simula ng Maupo si Presidente Duterte, ayon sa Akamai

Ayon sa ulat ng Manila Standar at DWIZ, bumuti daw ang estado ng bilis ng internet connection sa ating bansa simula ng maupo bilang Pangulo ng Pilipinas si Presidente Rodrigo Duterte.

Kinuha ng DWIZ ang kanilang impormasyon sa Akamai, isang techonology company.

Kumakamada na daw sa 14.73 mbps ang bilis ng download speed nitong Abril. Ang broadband speed naman daw ay pumapalo sa 7.91 mbps.

Base sa impormasyon ng DWIZ, noong unang buwan ni Presidente sa MalacaƱang (2016) ay mayroon lamang 7.44 mbps ang average download speed habang ang fixed broadband daw ay nasa 7.91 mbps lamang.

Magugunitang inaprubahan ni Presidente Duterte ang planong pagbuo ng national broadband network. Ito ang dahilan kung bakit positibo ang pananaw ng Akamai sa lagay ng internet sa bansa.

Source: DWIZ | Manila Standard

Leave a Reply

Theme by Anders Norén