Local News

“Bilog ang Mundo” Sen. Bong Go, May Mahiwagang Mensahe kay Trillanes!

Mukhang disididong-disidido si newly-elected Senator Bong Go na malaman kung sino ang mga taong may pakana ng Bikoy videos na yumurak sa kanyang pagkatao at sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Go, dapat magsagawa ng masinsinang imbestigasyon tungkol sa isyu.

“Sabi ko nga, bilog nga ang mundo. So, hantayin na lang po natin. Manangot ang dapat managot. Grabe ang pahirap niyo sa akin noong nakaraang eleksyon. Ako ay binugbog niyo talaga,” banat ni Go.

Naniniwala din si Go na hindi lang nag-iisa si Peter Joemel “Bikoy” Advincula noong ginawa ang mga mapanirang videos.

“Hindi po kaya gawin ni PJ Advincula o Bikoy ang video na iyon. ‘YAung paninirang yun, dinamay pa ang anak ni pangulong Duterte na bata. Hindi niya kayang gawin mag-isa iyon. So, sinamahan po ito ng iba’t-ibang tao na talagang gustong sirain kami thru balck propaganda… Maraming involved dito at malalaking personalities ang involved dito,” ani Go.

Ito po ang mas komprehensibong ulat mula sa News5.

Source: AMP | News5

Leave a Reply