Local News

‘Bilyones na ang Kickback ngayon kumpara sa Panahon ni Napoles!’ – Lacson

Para kay Senador Panfilo Lacson, hindi masasabing tagumpay ang naging hatol kay Janet Lim-Napoles.

Magugunita na si Napoles ay hinatulan na ng korte ukol sa 10-billion pork barrel scam. Si Napoles ang itinuturong utak ng nasabing panlilimas sa kaban ng taumbayan.

Ayon kay Lacson, mas malala daw ang korapsyon ngayon kumpara sa kapanahunan ni Napoles.

“In fact, it has gotten worse… During the time of Napoles, P500 million in kickbacks was already considered huge. Now, transactions are going by the billions… Have we solved the problem of ensuring public funds are used properly instead of going to the pockets of corrupt people? Can we be sure projects are free of bribery and other forms of corruption? These are questions that we must ask ourselves, and we can easily verify the answers—it takes two to tango… Many cases remain pending—before the Ombudsman, the Sandiganbayan, and even up to the Supreme Court. We have not really seen the totality of this problem,” boladas ni Lacson.

Nitong mga nakaraang mga araw ay naging laman ng balita si Lacson dahil sa mga kritisismo nito tungkol sa ikinakasang vaccination program ng Duterte Administration.

“If it’s true that government is now dropping the price of Sinovac vaccine from P1,847.25 per dose to only P650, the Senate has probably done our share to save our people billions of pesos in the country’s vaccination program. Netizens can pat themselves on the back,” patutsada ni Lacson.

Magugunita na sa isang pahayag ay binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng vaccination program ng pamahalaan. Hindi na binanggit ni Pangulong Duterte ang pangalan ni Lacson.

“Again to the Filipino people, ‘yong gustong maniwala doon sa mga oposisyon pati ‘yong mga nagpo-porma, eh ‘di doon kayo. (Kung) Maniwala kayo sa amin, eh ‘di dito kayo. But hindi ‘yan (corruption allegations) totoo… I take exception to itong statement that they were able to prevent corruption or an overpriced because of their vigilance. No, far from it, actually. You’re just muddling, you muddled up, ginugulo lang ninyo (you’re messing it up),” banat ng Presidente.

Source: Inquirer | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén