Local News

‘Bina-BABOY mo ang Batas’ Drilon, Niresbakan ni Atty. Gadon!

Hindi pinalampas ni Attorney Larry Gadon ang mga pinagsasabi ni opposition senator Franklin Drilon sa hiling niya na ipa-inhibit sa botohan tungkol sa ABS-CBN franchise ang ilang senador na diumano’y may koneksyon sa Kapamilya network.

“Nag sa-suggest ako. Baliktad naman ang sinasabi ni Drilon. Inuutusan ka ba? ‘Wag mong babuyin ang sinasabi ko. Ang letter ay maliwanag na nanghihikayat ako. ‘Ako po ay magalang na nanghihikayat na mag-inhibit ang mga sumusunod na mga senador’. Eh bakit? Eh kasi mayroong silang financial interest (sa ABS-CBN) dahil kung hindi sila stockholder, sila ay talent, o di kaya sila ay producer ng pelikula o ng mga shows, o kaya ang asawa nila ay konektado sa ABS-CBN. Tapos sinasabi ni Drilon na walang basehan sa batas ang sinasabi ko. Ihagis ko nga sa lamesa niya ang anti-graft law. Nasa section 6 iyan,” resbak ni Attry. Gadon.

Magugunita na kinontra ni Drilon ang hiling ni Gadon. Aniya, kahit daw korte suprema ay hindi pwedeng magmando sa senado.

“We are a political body. Inhibition is a personal decision of each senator. No one can impose it, not even the (Supreme Court)… We can only be disciplined, if there are ethical issues involved in our participation in the ABS-CBN franchise, by the Senate, and no one else. We are answerable only to the Senate and the people,” boladas ni Drilon.

Para kay Gadon, binabaoy daw ni Drilon ang batas.

“Ang mahirap dito kay Senator Drilon, basta may isyu, kahit taliwas ay sinasabi niya. Bina-baboy ni Sen. Drilon ang batas para sumang-ayon sa kanyang sariling isip na kabuktutan. Alam niyo naman iyan si Sen. Drilon, maaaring natutulog siya at hindi niya nabasa ang anti-graft law,” buwelta naman ni Atty. Gadon.

(Lumaktaw sa 11:35 mark para mapakinggan agad ang sinabi ni Atty. Gadon laban kay Drilon.)

Source: Atty Larry Gadon | Atty. Gadon | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: