Local News

Binabastos si Yorme? Pininturahan na Kahapon, Binaboy at Binandalismo uli Ngayon!

May bagong pambababoy sa pader ng Araullo High School sa Lungsod ng Maynila. Ang bandalismo ay inilagay sa tabi ng bagong pinturang bahagi ng pader na mismong mga estudyante ng paaralan ang gumawa para takpan ang naunang bandalismong iniwan ng Panday Sining, ang art wing ng leftist group na Anakbayan.

Kung ang binurang bandalismo kahapon ay may katagang “Makatwiran ang maghimagsik – PS”, ngayon naman ay simbolo ng anarkiya ang minarka sa pader.

Magugunita na kahapon ay nagtulong-tulong pa ang mga highschool students ng naturang paaralan para pinturahan at takpan ang bandalismo na inilagay ng Panday Sining sa bakod ng kanilang eskwelahan.

Matatandaang nagbabala si Mayor ISko sa mga mahuhuling nagbabandalismo na ipadidila niya sa mga ito ang mga dinumihan nilang bahagi ng Maynila gamit ang kanilang mga dila..

“Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights… ‘pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo,” buwetla ni Mayor Isko.

Nakailang ulit na din na ipinaalaala ng alkalde na ang perang ginagastos para takpan ang mga bandalismo ay mula sa kaban ng bayan na dapat sana ay nailalaan sa mga serbisyong medikal ng mga taga-Maynila.

“Tignan niyo kung gaano kahirap (ang burahin ang bandalismo). Ito ba ang gusto niyo sa gobyerno? Ito ba ang gusto niyong pagka-abalahan namin? Ganyan kahirap ang ginawagawa ninyo. Masaya ba kayo o ikinalulugod niyo ba ito? Ito ba ay art?…. Ngayon kung ipadadala ko limang tao na paswelduhin ng gobyerno, thinnner ng gobyerno, pera ng tao ang ginamit. Ito ang pinagkakagastusan namin. Oh natatanggal ba? Anong gagawin? Pipinturahan. Gastos na naman. Ang pinangbili ko ng pintura ay makabibili ng paracetamol at amoxicillin. So dito ka na lang dadalhin (sa pagbura ng bandalismo). ‘Yung may sakit, papa-inom ko sa kanya ‘yung art niyo? Paggagamot ko sa kanya art niyo? “ paliwanag ni Mayor Isko.

Source: News5 | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén