Local News

Binato ang Sasakyang Magdadala ng Tulong sa Sinalanta ng Bulkang Taal!

Walang patawad talaga ang ilang kababayan natin at pati ang sasakyan magdadala sana ng tulong sa mga sinalanta ng Bulkang Taal ay pinagdikitahan.

Ayon sa uploader ng litrato na si Bryan Ace Llabres Asuncion, binabagtasdaw nila ang EDSA-Raliance nang biglang may bumato sa kanilang sasakyan.

Dahil sa pambabato ng salarin, nabasag ang windsbhield ng sasakyan.

“Kung sino ka man na nagbato ng bagay dyan sa footbridge along EDSA, inabala mo pa kami. Tutulong ang grupo sa Batangas nagmamadali kami para mapaabot agad ang mga dala namin,” sabi ni Asuncion.

HIndi naman mapigilan ng mga kababayan natin na maglabas ng sama ng loob sa gigawa ng salarin.

“Imbes na tumulong sa mga naapektuhan ng taal volcanic eruption perwisyo pa… Sa mga nambato na Yan…panira Kayo ng lipunan!!!. Sa panahon ng kalamidad wag kayong pabigat sa lipunan. Ang Diyos n ang bahala sa inyo,” sabi ni A. Pua.

“Dapat ng aksyonan ang mga ganyang mga tao wala na sa tamang pag iisip hindi na sila nakakatulong sa komunidad sa bansa hindi dapat balewalain ang mga ganyang klaseng tao dapat bigyan ng leksyon para hindi pamarisan kaylangan na disiplinahin kamay na bakal ang susi para sa mga ganyang klaseng tao… kung sino ka man habang maaga humingi ka ng tawad sa diyos dahil ang ihahatid nilang tulong ay para sa nakakarami ikaw na gumawa nyan o ilan man kayo sumpain kayo nakikita ng diyos ang ginagawa nyo… magbago na kayo… habang maaga pa…,” sabi ni R. Baligod.

“Nagkakaisa ang mga Pilipino lalo sa ganitong klaseng kalamidad sana nman matuto po taung irespeto sila dahil handa silang tumulong nag eeffort po sila sana nman ma appreciate nio di po biro ang bumyahe ng malau at maglikom ng tulong para lang makarating sa lugar nio wag nio nman silang bastusin.. pasalamat kau may mga mabubuting puso na handang magbigay para sa kapwa natin biktima..,” sabi ni J. Lerasan.

Source: News5 | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén