Local News

Binayaran? Anak ni Kiko, Pumutak Matapos Putaktihin ng Dislikes ang Kaniyang Performance sa Wish Bus!

Para sa anak ni Senador Kiko Pangilinan at megastar Sharon Cuneta, hindi totoong mga tao ang nagbigay ng negatibong reaksyon sa kaniyang performance sa Wish Bus Youtube Channel.

Magugunita na inulan ng mga negatibong komento at dislikes ang video ni Frankie “Kakie” Pangilinan kung saan kumakanta ito ng kaniyang debut single na “TYL”.

Habang sinusulat ang blog post na ito ay pumalo na sa lagpas 58,000 na ang nag-iwan ng dislike sa naturang video.

Hindi naman matanggap ni Kakie na totoong tao ang mga nagbibigay ng negatibong komento sa kaniyang performance. Para sa anak ng senador, hindi daw tao ang nag-iwan ng dislikes sa kaniyang performance.

“Videos of tyl got 1000+ comments on youtube this week alone and they’re all like this lmao that’s not human,” boladas ni Kakie.

Sa hiwalay pang social media post, tinawag din niyang bayaran ang mga kritiko niya.

“yea all for a vid a year old? crazy how the trolls are paid” dagdag pa ni Kakie.

Narito po ang video ng kaniyang performance. Kayo na po ang bahalang humusga kung may talent nga ba si Kakie.

Source: Archive | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén