Local News

‘Binoto kita para sa Pagbabago, Hindi Panga-g*go’ Actor Jason Abalos to PDU30!

Nakatanggap ng kritisismo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula sa isa sa kanyang mga botante, ang aktor na si Jason Abalos.

Sa kanyang social media post, sinabi ni Abalos na mayroong siyang kaibigan na nasawi dahil sa covid-19, at hindi niya nangustuhan ang ginawang biro ng Pangulo sa gitna ng pandemiya.

“Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke?? Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggag*go!” banat ni Abalos.

Si Abalos ay isa sa mga supporters ni Pangulong Duterte at nag-post pa ito sa kanyang social media account patungkol sa dating alkalde ng Davao noong tumatakbo pa lang ito sa pagka-pangulo.

“Habang nakikinig ako kay mayor Duterte parang naiimagine ko na ang Pilipinas na ibang iba na bansa! #highhopes #ChangeIsComing,” sabi ni Abalos noong 2016.

“Pakinggan nyo kasi ang buong sinabi ni Digong, para ung pagkaintindi nyo amg paniwalaan nyo wag ung pagkaintindi ng iba,” dagdag pa niya sa hiwalay na social media post.

Si Abalos ay isa sa mga nagtatanggol sa ABS-CBN at naging bahagi ng Star Magic Talent sa loob ng 13 taon.

Magugunita na noong Martes ay sinabi ni Pangulong Dutrerte na magbibigay siya ng libreng face mask sa taumbayan. Dito rin ay nagbiro siya na i-disinfect ang masks sa pamamagitan ng gasolina.

“Ngayon, kung wala kayo, I will try to buy as many as I can afford kung kaya ko, ibigay namin iyan sa inyo libre but wear it, and maski na gamitin mo siguro iyan ng dalawang beses okay man lang kung i-sprayan mo lang ng alcohol pagkatapos. Huwag iyong ini-i-spray mo at isuot mo kaagad. Iyong pagkatapos ng araw, hang it somewhere, i-sprayan mo lang ng lysol if you can afford it…Iyong wala, ibabad mo ng gasolina o diesel, p****** i** COVID na ‘yan. Hindi uubra ‘yan diyan. Totoo. Kung wala kayo — if you want to disinfect, maghanap ka ng gasolina. Ibabad mo lang iyong kamay mo. Layo mo lang kay baka — huwag sa loob ng bahay ninyo,” pagbibiro ni Pangulong Duterte.

Source: Jason Abalos | Jason Abalos

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: