Local News

‘Binoto namin si DU30 pero parang BINALEWALA niya Kami’ – Asawa ni Pinoy Boat Captain

Kahapon ay nagsalita na mismo si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa insidente ng banggaan ng bangka ng mangigngisdang Pilipino at ng Vessel ng mga Intsik sa West Philippine Sea.

Ayon sa Presidente, hindi dapat hayaang ang isang aksidente sa karagatan ay maging mitsa ng giyera.

“Stay out of trouble, just build on our own. Huwag muna tayong makialam. Do not allow a little maritime accident, intentional, to go to war… You do not send gray ships (Philippine Navy) there. Banggaan lang ng barko ‘yan. Do not make it worse because that is a fertile ground for… Alam ninyong mga sundalo, miscommunication ‘yan. Patay na. And we are not yet as ready, and we can never be ready in nuclear war, because in nuclear war, kung bitawan lahat ‘yan, earth will dry up and we will all be destroyed,” sabi ni Presidente Duterte.

Hindi ito nagustuhan ni Lanie Insigne, asawa ni Junel Insigne na kaoitan ng binanggang bangka. Ayon kay Lanie, si Presidente Duterte ang kanilang binoto pero tila nabalewala daw sila.

“Siya ang binoto naming Presidente. Hangang-hanga kami sa kanya kasi matapang siya, tapos parang binalewala lang kami,” sabi ni Insigne.

Kahapon ay naibalita ng ilang media organizations na nag back out umano si Junel sa pakikipag-pulong kay Presidente DUterte. Kasabay nito ay lumabas isang video footage na mapapanood si Lanie na inutusan ang kanyang asawa na huwag nang magtungo sa Maynila.

Inalmahan naman ng pro-government lawyer na si Attorney Trixie Cruz-Angeles ang sinabi ni Lanie.

“Binalewala? Teka, Madame. Hindi fair yan.

Una, inimbitahan ang mister ninyo na makipagusap sa pangulo. Pwedeng pwede siyang daingan. Pwedeng ibigay ni mister ang storya niya, ang side nya, yung naranasan niya.

Hindi ninyo pinapunta yung asawa ninyo, madame. That is on you. Huwag mag expect ng himala. Kayo po ang tumanggi ng pagkakataong marinig ang buong storya ng asawa ninyo.

Pangalawa, dinkta ba sa inyo yung statement ninyo? Kasi kung tunay na nakinig kayo sa pangulo, maririnig ninyo yung bahagi nag talunpating nagsasabing, iimbestigahan pa muna.

Wala pang tapos, Madame. Maliban lang sa pagsasara ng isip ninyo.” pahayg ni Atty. Trixie.

Source: CNN Philippines | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén