Local News

Bishop David, Todo-Tanggi sa Koneksyon kay Bikoy!

Kamakailan lang ay nagsumite na ng ebidensiya (cellphone, computer) at affidavit si Peter Joemel “Bikoy” Advincula sa otoridad.

Ilan sa nakalagay sa affidavit ni Advincula ay ang pakikipagpulong niya umano sa mga obispo na sina Socrates Villegas at Pablo Virgilio David. Base sa salaysay ni Advincula, nakipag-usap daw siya sa mga pari kaugnay ng serye ng videos na ikakalat laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga isiniwalat ni Advincula sa salaysay nito ay pinasinungalingan ni Bishop David. Ayon kay David, ni minsan ay hindi niya raw naka-usap si Advincula. Ipinagtanggol din ni David ang ilang pari na isinangkot ni Advincula sa Bikoy videos.

“Last Monday ‘Bikoy’ appeared in another press conference sponsored by the PNP [Philippine National Police] claiming that he had attended a meeting with me and Senator Trillanes and a certain Jonel at my residence in Caloocan City… First of all, I wish to make it clear that I have never had the privilege of meeting with Senator [Antonio] Trillanes in person and I do not know the Jonel he was talking about,” pagtanggi ni Bishop David.

Binanatan din ni David ang Philippine National Police (PNP). Imbes dawkasi na imbestigahan ang mga libo-libong namatay, binigyan pa raw nghalaga ang kasinungalingan ni Advincula.

“As far as I know, most of the thousands of killings called DUI [Death Under Investigation] remain ‘under investigation,’ meaning, unresolved. As bishop of Kalookan, I sincerely wish the PNP could give more time and effort at investigating the truth behind these killings than giving credence to the lies now being peddled by a certain Peter Advincula, alias ‘Bikoy,’” boladas pa ni Bishop David.

Source: CNN Philippines | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén