Local News

Bishop Socrates Villegas at David, Sabit sa Affidavit ni Alyas Bikoy!

Lumabas ang pangalan nila Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa affidavit ni Peter Joemel “Bikoy” Advincula. Kamakailan lang ay muling nagtungo si Advincula sa otoridad para isumite ang cellphone at computer para gawing ebidensiya laban kay Senador Antonio Trillanes at ilang miyembro ng oposisyon.

Ayon sa affidavit ni Advincula, nakipag-pulong umano siya sa ilang obispo at ilang personalidad sa oposisyon para pagplanuhan kung paano gagamitin ang naratibong konektado sa droga ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Noong December 12, 2018 Miyerkules bandang 6:00 ng gabi kami ay nagpulong muli sa Jesuit Residences sa Ateneo De Manila University (ADMU) kasama sina Jonel, Father Alejo at Arch Bishop Soc Villegas upang pag-usapan ang lakad nina Father Alejo at Father Villanueva… Noong February 9, 2019 ng 6:00 am ay umalis kami ni Father Alejo sakay ng Grab galing sa Jesuit Residences papuntaang Bishop House ng Diocese ng Caloocan at doon ay nagkaroon ng pagpupulong kasama sina Bishop Pablo Virgilio David o Bishop Ambo, Senador Trillanes at Jonel at dito napag-usapan ang gagawing pag-iingay sa darating na halalan,” nilalaman ng affidavit ni Advincula.

Si Villegas at David ay kilalang kritiko ng kampanya kontra-droga ng Administrasyong Duterte.

Si alyas Bikoy ay ang lalaking lumabas sa serye ng anti-Duterte videos noong panahon ng halalan kung saan niyuyurakan ang pamilya ng Presidente sa pamamagitan ng pagsangkot sa mga ito sa droga.

Magugunitang lumutang si Advincula noong huling bahagi ng Abril para aminin na siya si alyas Bikoy pero bumaliktad ito at itinuro ang kampo ni Trillanes at ng oposisyon na may pakana ng videos matapos ang eleksyon.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén