Local News

Biyaheng Solis to Calamba, LESS THAN 1 HOUR na lang!

“Comfortable Life For All”

Nitong ika-15 ng HUnyo ay ibinida ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang social media account ang North-South Commuter Railway (NSCR). Ayon sa post ng DOTr, hindi na aabot sa isang oras ang biyahe mula Solis,Maynila patungong Calamba, Laguna. Papalo din daw sa bilis na 120 kilometer per hour ang takbo ng tren.

“120 kph ang bilis ng #NSCRPH! Kasing bilis ng pag-fall ko sa kanya ang biyahe mo from Solis to Calamba,” sabi ng DOTr.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin nitong umpisa ng taon, gagamitan daw ang naturang proyekto ng top-grade Japanese railway technologies, tulad ng energy-efficient and reliable trains, platform screen doors, signalling, rolling stocks, flood resilience, and anti-seismic designs.

Inaasahang magiging mas kumportable ang pagbiyahe pag naging partial operational ang proyekto sa 2022. Aabot naman daw sa 550,000 na pasahero kada araw ang pwedeng pagsilibihan ng linya pag naging fully operational ito sa 2023.

Ang NSCR project ay bahagi ng Build. Build. Build program ng Duterte Administration.

Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang impormasyon na ibinahagi ng DOTr.

“DOTR I am one of the believer that an efficient public transport system able to transport people and goods is key to economic growth. Been to several Asian countries, and the public transport system is what I admire most. The travel time is so fast, you have good reserved energy to do extra for productivity. I hope that our government should also tackle efficient urban planning. There’s a lot of government land space wasted because of poor land use and occupied by informal settlers. Such an eye sore. I believe it is much better for Medium to high rise buildings, occupy less space than these row houses being built. Great job DOTR!” sabi ni J. Navarrosa.

“Seriously? manila to calamba, less than 1 hour? e ung tutuban to alabang, almost 1.5 hours na e.. that means, maganda ang riles at trains nito. sana makita na ng public na sinisimulan na ang paagayos ng mga riles at stations.” sabi ni G. Hernandez.

Source: DOTr | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén