Local News

“You must be Stupid!” International Court, Dededmahin ni DU30!

Sa panayam niya sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Presidente Rodrigo uterte na hinding -hindi siya haharap sa banyagang korte na mag-iimbestiga sa kampanya kontra-droga ng kanyang administrasyon.

“Look, as I have told you before, ladies and gentlemen of the world, I will only face, be tried or face a trial in a Philippine court, presided by a Filipino judge. Prosecuted by a Filipino. And maybe they can reimpose death penalty and die in Filipino land,” banat ni Pangulong Duterte.

Giit pa ng Presidente, gumagana ang sistema ng hustisya sa Pilipinas at hindi siya tatanggap ng pagkuwestiyon mula sa mga “caucasians”.

” will not answer a Caucasian, asking question white man there. You must be stupid. Who are you? I am a Filipino. We have our courts here. You have to bring me somewhere else? I would not like that. I have my country. It’s working. I know it’s working. Justice is working here,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Kinuwestiyon din ni Presidente Duterte ang otoridad ng banyang hukuman. Kailangan dind aw alamin ng maigi ng mga ito ang totoong sitwasyon sa Pilipinas.

“You just don’t know the real situation. You better study. Then you force me to defend myself before you? Who are you?… If you do that, I’ll give you a lecture on the finer points of international law,” dagdag pa ni Presidente Duterte.

Binanatan din ni Presidente Duterte ang mga oposisyon na ayon sa kanya ay “kating-kati na matuloy ang paglilitis”. Buwelta ng Pangulo, dedebatihin daw niya ang mga ito.

Magugunita na mayroong 2 communications na inihain sa International Criminal Court laban sa Pangulong Duterte kaugnay sa umano’y Extrajudicial killings. Isa sa mga communication na ito ay inihain nila dating Senador Antonio Trillanes at ni dating Magdalo Congressman Gary Alejano.

Minaliit na dati ni Chief Presidential Legal Counsel at ngayo’y Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo ang inihain nila Trillanes at Alejano. Ayon kay Panelo, “court of last resort” ang ICC at hindi uubra ang communication dahil gumagana ang mga korte sa Pilipinas.

Source: GMA News | RMN | Pastor Apollo C. Quiboloy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén