Local News

Kuda ni Leni, Hindi daw Nagmadali ang NDRRMC pero Nov 10 pa lang Nagsagawa na ng Forced Evacuation ang Gobyerno!

Sa gitna ng kalamidad na dulot ng Bagyong Ulysses ay pinuna ni Vice President Leni RObredo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil daw sa “lack of urgency”

“Kagabi kasi hindi natin nakita yung urgency galing sa NDRMMC… Para sa’kin, ang daming desperate kagabi. Ang daming natatakot, Iyong walang information from government, nakakadagdag pa…“Iyong sa akin, iyong pinakamessage kahapon, masabihan sana iyong tao na ‘natanggap namin reklamo na may ginagawa kami about it.’ ‘Help is coming.’ Iyon lang naman ang importante. Iyon ang importante, na-assure namin sa kanila na-ireport natin ito, papunta na sa inyo,” boladas ni Leni.

Magugunita na ibinasura ng kongreso ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa dahil sa mga natukalsang sari-saring paglabag.

Sa isang social media post ay nilinaw naman ng Presidential Communications na noong Nobyembre 10 pa lang ay nagsagawa na ng forced evacuation ang gobyerno.

“Dahil sa peligrong hatid ng bagyong “Ulysses,” ang mga residente sa Region 2 ay sapilitang inilikas noong Martes, Nobyembre 10, 2020, taliwas sa mga alegasyon na hindi handa ang ating gobyerno. Ayon sa Office of Civil Defense sa Region 2, 259 na pamilya na may kabuuang 1,047 katao ang napilitang umalis sa kanilang tahanan: 195 pamilya ay mula sa Cagayan, 47 mula sa Isabela, 11 mula sa Nueva Vizcaya, at anim mula sa Quirino.

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development
na mayroong mga food at non-food items na nagkakahalaga ng P19.9 milyon at standby fund na P2.3 milyon na maaaring magamit kung kinakailangan para sa mga biktima ng kalamidad,” paliwanag ng Presdiential Communications.

Ang Office of Civil Defense ay bahagi ng NDRRMC.

Source: INQ | Presidential Communication | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén