Local News

‘Brain damage’ Infectious Disease Expert, Nag-warning sa Gagamit ng Ivermectin!

Nitong nagdaang mga araw may ilang sikat na personalidad na nagsusulong sa paggamit ng gamot na Ivermectin para lunasan ang c0v1d.

Ilan sa mga personalidad na nagsusulong sa Ivermectin ay si Anakalusugan Rep. Mike Defensor.

“Ang daming may gusto at imbis na kayo maging hadlang…sana maging proactive tayo,” saad ni Defensor.

Si Defensor ay tinamaan ng c0v1d nitong Marso lang at ang ginamit daw na panggamot sa kaniyang karamdaman ay Ivermectin.

Ayon sa ilang ulat, balak ni Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

“Pero Ivermectin is not hard to make. Even YouTube has a video on it. Yan nga point ko, Ivermectin was given as a donation for river blindness and other parasitic illnesses… Nung nag-expire proprietary right ni Merck wala na halos nag-produce. But it is in our drug formulary and all they need to do is monitor the manufacturers instead of killing the initiative that might save peoples’ lives. I’m saying might be from the US-FDA perspective but based on clinical studies and reviews by experts and scientists, it can improve mortality death by 76 percent. Eh kung safe naman at baka makatulong eh bakit nila haharangin,” paliwanag ni Defensor.

Nilinaw naman agad ng Infectious Diseases Expert na si Dr. Edsel Salvana ang panganib na maaaring maidulot ng gamot kung ma-o-overdose ang isang tao.

“‘Yung sinasabi po na gamitin para sa virus na wala naman talagang ebidensiya sa ngayon, mataas po ‘yun dose. Kasi they use 15 mg tapos repeated dosing po.

Sa ganyang mataas na dose po, pwede pong magkaroon ng brain damage ang isang taop at pwedeng mamatatay kung ma-overdose nang todo-todo,” pakiwanag ng eksperto.

“Ang ivermectin po ginagamit pang purga… Napaka-potent po na antiworm medicine ng ivermectin baka po biglaan maglabasan lahat ng bulate ninyo,” dagdag pa ng doktor.

Source: Philstar | CNN Philippines | ABS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén