Local News

Daan-daang Libo Piso, Pinondo ni Kris sa Anti-DU30 Blogger? Screenshots, Inilabas ng Radio Host!

Matapos mag-viral ang leaked audio conversation ni Kris Aquino at ng kanyang dating financial manager na si Nicko Falcis kung saan maririnig na pinagbabantaan ni Kris si Nicko, lumabas naman ngayon ang ilang screenshots kung saan makikita ang detalyadong listahan ng mga blog posts na pinondohan umano ni Kris. Matatandaang inamin ni Kris na pinondohan niya si Jover Laurio aka Pinoy AKo Blog. Si Jover ay isa sa mga maingay kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte pagdating sa social media. Kilala rin si Laurio sa pag-atake nito sa mga taga-suporta ng Presidente. Sa screenshots na inilabas ng Radio host na si Mark Lopez, makikita na halos umabot sa P200,000 ang ginasta para pondohan ang mga social media posts ni Jover.

Ilan sa mga inatake ni Jover sa kanyang blog ay sina Erwin Tulfo, Ex-PCOO Assec Mocha Uson, Imee Marcos, Bongbong Marcos at Maastricht University Lecturer/Pro-Duterte blogger Sass Rogando Sasot. Pati ang Motoring journalist na si James Deakin ay hindi pinalagpas ni Jover.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa isyung ito.

Source: Mark Lopez</p>

Leave a Reply