Local News

Brgy. Kagawad na Kumurakot sa Tulong ng Gobyerno, ARESTADO!

Matapos kumalat ang video ni kagawad Danilo Flores Ramos na nambubulsa sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno para sa mga pamilyang lubos na apektado ng COVID-19 crisis, umaksyon agad ang otoridad para arestuhin ito.

Sa viral video, makikita si Flores na hinahati ang ayuda ng gobyerno. Imbes na 6,500 ang ipagkaloob nito sa mga nasasakupan niya, P3,000 lang ang ibinigay niya. Ang P3,500 daw ay ibabalik kay Mayor Raulito Manlapaz para maipamahagi naman daw sa mga hindi kuwalipikado sa SAP. Itinanggi ni Mayor Manlapaz ang mga pinagsasabi ni Flores.

Ang salarin ay nasa kustodiya na ng Hagonoy Municipal Police Station (MPS) at mahaharap sa paglabag sa Sec. 3(b) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Sa kanyang public address kagabi ay naging special mention pa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ginawa ni Kagawad Flores. Nakatikim ng malutong na mura kay Pangulong Duterte ang kagawad.

“Sinabi ko na sa inyo noon, “huwag sa panahong ito.” Mayroong mga… Wala akong na — I have — basta local government employees. Lahat naman tayo workers eh. Diretsuhin na natin, local government workers. I do not want to — to mention titles here. Mayroon sinabi ko na sa inyo, “huwag ninyo — do not…” ‘Lang kay… Good boy ako ngayon. [laughter] Hindi ako magmura. Sinabi ko na sa inyo na kung may gawin kayo, huwag sa panahong ito.

…Iyong mga mayors naman, kindly — kindly look into the people that you have commissioned to do the distribution sa pera.

Kagaya nitong Barangay Kagawad Danilo Flores ng Agustin, Hagonoy, Bulacan. Ang p***** i** mo, nakuha ka pa ng television na may ano doon grab o it’s not grab — it’s a — actually a… Nakuha ka na hinihingi mo… Susmaryosep. Mahirap na nga, ikaw may trabaho ka na, kagawad ka, ang p***** i** kukunin mo pa ‘yung pera ng mahirap.

I’d like to presume that you were elected because your constituents find you to be a man of integrity, honesty, and that you can perform,” buwelta ni Pangulong Duterte.

Source: Bulacan Police Provincial Office

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: