Local News

Watch! Brgy Muzon, Walang Intensyong I-Harass ang Lugaw Delivery Rider!

Sa kaniyang social media account, nagsalita ang food delivery rider na si Marvin Ignacio tungkol umano sa nararanasan niyang harassment matapos mag-viral ang video kung saan sinisita siya ng mga taga-barangay Muzon dahil sa pagde-deliver niya ng lugaw. Sa nasabing viral video, hinarang siya sa pagde-deliver ng lugaw at sinabing hindi daw essential ang lugaw.

Ayon sa rider, may ma kahina-hinalang mga lalaki ang lumalapit sa kaniya. Natatakot siya para sa kaniyang kaligtasan. Sinisisi din daw siya dahil gusto daw magpakamatay ni Phez Raymundo, ang babaeng nagsasalita sa viral video.

“Sana po matulungan ninyo kami. Pinagiinitan na naman yung Lugaw Pilipinas. May nagpunta po doon, tama po ba yun… Pasensya na po ha, kasi natatakot ako… Baka saktan nila ako… Kahina-hinala yung galaw nila. Wala silang kasamang barangay tanod, wala silang [police] mobile. Naka-motor lang talaga sila, tapos ang gusto nila isara yung tindahan kasi mayroon daw silang memo na pinapakita… Kung nakita nyo lang kanina paano ako brasuhin ng mga mama na ‘yun,” sabi ni Ignacio.

Nilinaw naman ng gma taga-barangay na wala silang intensyon na masama kay Marvin.

“Wala po kaming intensyon na sila ay harassin o masaktan. Ang gusto lang po namin, ibigay yung papel para may kopya sila. Pasensya na Marvin pati na sa may-ari ng Lugaw Pilipinas…“Asahan nyo pong hindi na ito mauulit,” sabi ng tauhan ng barangay.

Pinaalalahanan naman ni Brgy Chairman Marciano Gatchalian ang kaniyang mga tauhan na maging maayos sa pakikitungo sa mga nasasakupan nila. Humingi din ang chairman ng paumanhin sa rider.

“Lagi ko pong pinapaalala sa kanila na maging magalang, tama ang approach sa pakikipag-usap, lagi pong may maximum tolerance,” sabi ng kapitan ng barangay.

Source: Manila Bulletin | PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén