Local News

Panoorin: BuCor Chief Bantag, Nag-Beastmode! Libo-libong Kontrabando sa Bilibid, Pinagwawasak!

“Hindi ba kayo nagtataka? 3,000 ang personel, ang tauhan ng ahensiyang ito. Bakit? Para madaling kontrolin. Para gawin sindikato. P—! Sabi ko, pwede ba pati tao ay pisunin natin,”

Ganito ang naging pahayag ni ng galit na galit na si Bureau of Corrections Chief Gerald Bantag nang makumpiska ng kanyang ahensiya ang libo-libong kontrabando mula sa mga preso sa Bilibid.

Narekober ng mga otoridad ang mga cellphones, cellphone chargers, DVDs, DVD players, pocket wifi, keyboards at internet routers. Mayroon din nakuhang mga armas at mga rolyo ng sigarilyo at tabako.

“Nagbabagalan ako sa pagpapa-ayos nitong BuCor. Para akong liha na liliha sa inyo,” sabi pa ni BuCor Chief Bantag.

Nagbanta din si BuCor Chief Bantag sa mga tauhan sa Bilibid na madami pang masisibak.

“Asahan ninyo na marami pang mare-relieve dito,” babala ni BuCor Chief Bantag.

Base sa ulat, patuloy pa rin daw naipupuslit ang mga kontrabando sa presohan tulad ng cellphones. Pumapalo daw sa P50,000 hanggang P200,000 ang padulas para maipasok ang kada cellphone sa bilanguan. Ito raw ang nagagamit ng mga sindikato sa loob ng Bilibid upang maipagpatuloy ang kalakalan ng droga sa kulungan.

Kamakailan ay gumawa ng ingay si Bantag nang ipawasak nito ang mga kubol sa Bilibid. Kasama ang ilang ahensiya ng gobyerno at mga alagad ng batas, giniba ang mga iligal na istruktura sa loob ng kulungan. Ayon kay Bantag, nagagamit daw ang mga kubol para maitago ang mga hindi kanais-nais na gawain ng mga inmates.

Pinagsisibak din ni BuCor Chief Bantag ang humigit kumulang 300 na prison guards upang isailalim sa re-trainings.

“Wala ng V.I.P na nagtatago sa jacuzzi di ba? Para lahat pantay-pantay. Walang mayaman, walang mahirap. Basta ikaw ay PDL (person deprived of liberty), PDL ka. Hindi porke’t P*** may pera ka ay bibilhin mo ang mga tao di ba? Ang mga kubol kasi hindi pwedeng pumasok yan dahil illegal structure… Eh ‘yung mga mayayaman kasi dahil may pera, eh di nagpatayo (ng kubol),” sabi ni BuCor Chief Bantag sa isang panayam noong Oktubre.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén