Local News

Buko Water Energy Drink at Bamboo Straw, Binida ng Gobyerno para sa Palarong Pambansa!


Ang init! Ramdam niyo rin ba ang init ng Summer sa Pinas? Hay, ansarap magpalamig at uminom ng buko! Tama, fresh buko juice!

‘Yung dating madalas nating makitang itinitinda ng suki nating si “kuya” sa kariton, aba, bumibida na ngayon sa Palarong Pambansa: iyan ay walang iba kundi ang Buko!

Sa pagbubukas ng Palarong Pambansa nitong nakaraang Abril 28 sa Davao City na nilahukan ng higit sa 20,000 atleta at manonood, ipinakilala ang “Buko Water” bilang opisyal na energy drink.

Ayon sa social media post ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, napagkasunduan ng Department of Education (DepEd), City Government ng Davao at ng DA na i-promote ang ating berdeng buko bilang isang masustansyang energy drink para sa nasabing national tournament.

Dagdag pa ni DepEd Secretary Leonor Briones at Palarong Pambansa Secretary General Revsee Escobedo, ang nasabing “Buko Water” na umano ang magiging opisyal na energy drink maging sa mga susunod pang mga pambansang paligsahan at palaro.

Ang pagpapakilalang ito sa Buko Water bilang opisyal na energy drink sa isang mahalagang pambansang pangyayari ay inaasahang makapapagpapataaas ng kamalayan ng mga konsyumer sa magandang benepisyo ng buko sa ating katawan at kalusugan.

Bukod sa nabanggit na ‘Buko Water”, ibinida rin sa Palarong Pambansa ang paggamit ng “Bamboo Straw” para inumin ang buko, sa halip na ang nakasanayang plastic straw. Makakatulong ang paggawa at paggamit ng mga nabanggit na bamboo straw na mula sa maliliit na kawayan upang mabigyan ng dagdag na hanapbuhay at kita ang mga komunidad ng Indigenous People sa ating bansa. Sa pamamagitan nito, natulungan na ang ating mga kababayan ay hindi pa masisira ang ating inang kalikasan.

Ano pang hinihintay niyo, halina’t uminom ng buko! Hmnn.. sarap!

Source: Department of Agriculture Manny Piñol

Leave a Reply

Theme by Anders Norén