Local News

‘Bulok si Trump, Mas Malala si Duterte!’ DJ Mo Twister, Nakisawsaw sa Gulo sa Amerika

Sumiklab ang kaguluhan sa Estados Unidos matapos sumugod ang mga masusugid na tagasuporta ni US President Donald Trump sa US Capitol Hill para pigilan ang ginagawang pagbilang ng electoral votes na magiging daan sa kumpirmasyon sa pagkapanalo ni Joe Biden noong 2020 US Presidential Election.

Sari-saring opinyon ngayon ang nagkalat ngayon sa social media kaugnay sa nangyaring insidente. Maging ang mga kababayan natin ay nakikisawsaw na rin. Isa na dito ay si Senador Ping Lacson, ayon sa senador, dapat matuto sa nangyari sa Amerika kaya huwag daw bumoto sa kabaliwan.

“Lesson learned from the mob attack on the US Capitol Hill: DO NOTE VOTE FOR INSANITY,” patutsada ni Lacson.

Maging ang DJ na si Mo Twister ay nakigatong na rin sa isyu. Boladas ng DJ, bulok daw si Trump pero mas malala daw si Pangulong Rodrigo ROa DUterte.

“Good morning Philippines. You may be watching world news right now as you prep for your day. I’d like to set the tone by reminding you all that while Donald Trump is a rotten man, President Duterte is somehow an even worse human being,” kuda ni Mo.

Sumikat noon si Mo dahil sa isang maselang video na kumalat. Sa nasabing video, makikita ang paghahalikan ni Mo at ng aktres na si Rhian Rhamos. Kalaunan ay nangumpisal si Ramos na pinagbabantaan daw siya ni Mo.

“Every time that I would try to break up, he would get really mad or he would threaten me. I think the most painful time was when he outright told me that ‘I promise to take everything you love away from you.’ Yun ba yung love? Tatakutin ka ng tao? Ite-threaten ka, sisirain ka? Para ano? Para sa kanya ka lang,” sabi ni Ramos.

Source: Mo Twister | Archive | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén