Local News

Bumababa ang Kalidad ng mga Programa? Sotto, Nagpaliwanag kung Bakit Bubuhayin ang ABS-CBN Franchise!

Kahapon ay naging laman ng social media ang balita tungkol sa paghahain ni Senate President Tito Sotto ng panukalang batas para i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN. Paliwanag ni Sotto, bumababa na raw ang antas ng programang ipinalalabas ng mga istasyon dahil wala na raw kumpetisyon ang mga ito.

“I noticed TV stations have been replacing their news programs with Animes. It means competition is absent and mediocrity is creeping in because of the absence of a strong competitor like ABS-CBN,” boladas ni Sotto.

Narito naman ang reaksyon ng ilang tagasuporta ni Pagulong Rodrigo Roa Duterte ang hakbang ni Sotto.

“Yung galawan ni Tito Sen, amoy na amoy na vested interest at hindi para sa taumbayan…
Epalitiko to the max.” banat ng radio host na si Mark Lopez.

“Sen. Tito Sotto filed a bill for the “renewal” of franchise of ABS CBN. At mukhang maraming nababagabag. May mga issue ito.

Una. Pwede bang manggaling sa senado ang pag file ng franchise ng isang broadcast network?
Sabi sa saligang batas dapat mauna ang Kongreso. Pero pwede mag file ng counterpart bill sa senado as long as WALANG ACTION BY THE BODY (meaning buong senado) until naipasa na yung bill sa Kongreso.
Pangalawa. Bakit renewal? Ibig ba sabihin may prankisa pa rin ang ABS, at pwede lang buhayin anytime? At ibig sabihin ba nito owedeng mauna ang Senado?

Actually ang ibig sabihin lang ng “renewal” ay nabigyan na dati ng prankisa ang ABS CBN. Tapos na yung last grant nila, kaya sa ngayon wala silang franchise. Kahit tawagin pa yang renewal, it is still considered a new franchise.
Kaya pag tinignan ninyo yung mga bagong renew na franchise, tulad ng na grant sa Sarraga under RA 10974 nakalagay duon renewal of franchise sa title pero sa Sec. 8 nakalagay

Acceptance and Compliance. – Acceptance of this NEW franchise shall be given in writing to the Congress of the Philippines…through the Committee on Legislative Franchises of the House of Representatives and the Committee on Public Services of the Senate, within sixty (60) days from the effectivity of this Act. Upon giving such acceptance, the grantee shall exercise the privileges granted under this Act. Nonacceptance shall render the franchise void.
So pwede ba mauna ang Senado dito? Hindi.

In short, kung walang grant sa House, di yan mabibigay ng Senado, at di ito pwedeng mauna sa third reading sa plenaryo.

Bottomline, dont worry about it. Tito Sen is just expressing his sentiments but without action from Congress, this will just be a bill like many that have died before it.” paliwanag naman ng Abogadang si Atty. Trixie Cruz-Angeles

Source: ABS-CBN | Mark Lopez | Luminous

Leave a Reply

Theme by Anders Norén