Local News

‘Bumabaha ng Posters, Hindi Bakuna’ Isko, Nagpaparinig ba?

Sa isang panayam, may bagong patutsada si Manila Mayor Isko Moreno ukol sa lagay ng vaccination program sa kaniyang nasasakupan.

Ayon sa alkalde, handa na raw ang kaniyang lungsod. Sabay parinig na mas marami pa raw ang tarpaulins kaysa sa bakuna.

“Nakuha ko lang ‘yong assessment, ang Manila ang number one sa readiness… We’re ready, sort of saying. May awa ang Diyos… So, we are ready to deploy, talagang… kaya nga may joke dito sa Manila eh, nakakatawa nga ‘yong mga joke dito kasi ang daming mga tarpaulin. Bumaha ng tarpaulin, hindi vaccine,” sabi ni Mayor Isko.

Walang pinangalanan si Moreno na personalidad o grupo pero kamakailan lang ay naging laman ng social media ang mga posts kung saan makikita ang mga banners na inuudyukan si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagkapresidente sa 2022 elections

Kamakailan lang ay naging isyu rin si Mayor Isko sa National Task-Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil sa ginawa nitong pagpapabaklas sa mga posters na kumokondena sa mga rebeldeng komunista o New People’s Army (NPA).

“Huwag niyo na po ilagay sa Maynila ‘yan Uubusin ko po iyan.

May directive na po ako sa DPS na tanggalin ang mga tarpaulin na ito. ‘Di po natin kailangan ang mga ito sa gitna ng pandemiya. Dapat magkaisa po tayong mga Pilipino,” sabi noon ni Mayor Isko.

Narito ang naging reaksyon ng mga opisyal ng Malacañang sa ginawa ni Isko.

“All over Manila and QC (more to follow) expressions of disgust over the CPP NPA NDF were put up by NGOs and people’s organizations who have had enough of 52 yrs of endless DEATH AND DESTRUCTION, the theft of our children’s LIVES, economic sabotage..

As our President has clearly stated- this anti-CPP NPA NDF program is a government program.
So magkalinawan tayo.

Dalawang panig lang ito, Mayor: sa isang banda, ang panig ng gobyerno at taongbayan.

At sa kabilang panig: ang comunistang teroristang pahirap sa Bayan: ang CPP NPA NDF.

Kaninong panig ka? Pag tinanggal mo ang mga tarpaulin na yan, pwera pa sa baka makatikim ka sa ating Pangulo, alam na ng taongbayan ang pagtatraydor mo sa kanila.

Maliwanag.” banat ni Usec. Lorraine Badoy.

“Teka muna, baka hindi politika ang pinag-uusapan dito Mayor Isko. Ang pinag-uusapan dito ay seguridad ng bansa atseguridad ng mga taong nahihikayat na sumama doon samga kontra sa gobyerno,” sabi ni Panelo.

“Mayor Isko, tandaan mo, ang gobyerno natin, kalaban ay ‘yung CPP-NPA-NDF. Talagang dapat ‘persona non grata’ ‘yan.” dagdag pa ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén