Local News

Buntis na may Coronavirus, Nanganak ng Malusog na Sanggol!

Nitong nagdaang mga araw ay panay ang balita kung gaano kalala na ang epekto ng 2019 corona coronavirus sa mundo. Nagsimula ito sa China hanggang umabot na sa ibayong dagat. Pumalo na libo-libo ang kumpirmadong kaso at daan-daan na rin ang nasasawi.

Ito ang dahilan kung bakit ang ilan sa mga kababayan natin ay nababahala sa nasabing karamdaman. Sa katunayan, nagkaka-ubusan na ng mga face masks sa mga medical supply stores.

Sa kabila ng mga negatibong balita patungkol sa coronavirus ay may mga umuusbong na mabuting balita.

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, isang buntis na positibo sa coronavirus ang nagsilang ng malusog na sanggol. Ang babae ay nasa ika-38 na linggo ng kanyang pagbubuntis at may temperatura na 37.3 degrees celsius.

Idinaan sa ang pagpapaanak sa pasyente at ang sanggol ay nag-negatibo sa coronavirus.

“Doctors decided to give her a cesarean section, through which a girl weighing about 3 kg was born on the same day,” sabi sa ulat.

Hindi lang ito ang positibong ulat. Kamakailan lang ay pumalo na rin sa lagpas 200 ang gumagaling mula sa coronavirus.

Kanina naman ay ilang ulat ang lumabas tungkol sa gamot laban sa coronavirus. Ito ay nagawa ng mga Thailand medical workers.

Ibinahagi ni Dr. Kriangsak Attipornwanich sa mga reporters ang gamot na ginamit nila sa isang coronavirus patient. Sa loob lang daw ng 2 araw ay bumuti ang pakiramdam ng pasyente at nag-negatibo sa coronavirus. Nangyari ito matapos gumamit ang medical team ng anti-viral drugs na para sa HIV at Influenza. Si Attipornwanich ay doctor sa government owned Rajavithi Hospital.

Ang Thailand ay isa sa mga bansang may kaso ng coronavirus. Pumalo na sa 19 na kaso ang naitala sa kanilang lugar at 11 sa mga ito ay nasa ospital pa rin. Ag iba ay pinauwi na sa kanilang mga bahay.

Source: Xinhua News Agency via Philippine Star | Bloomberg | Daily Mail

Leave a Reply

Theme by Anders Norén