Local News

“Buong Pilipinas ‘Di niyo nga Mabigyan ng Ayuda!’ ABS-CBN Star Coco Martin, Binanatan na ang DU30 Govt!

Walang preno ang naging banat ni Coco Martin patungkol sa isyu ng kinasasangkutan ng ABS-CBN. Matatandaan na nitong Mayo 5 ay inutusan ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Kapamilya network na huminto sa pag-e-ere.

“Hindi labanan ‘to ng diplomasya, binabarubal na tayo eh. Kinuha Tinatarantado na tayo eh. Kinuha na bahay (ABS-CBN) natin. Ano i-expect natin? Di Ba? ‘Pagdasal natin sila? Pinagdadasal na natin sila. Tiniis na natin sila. Dapat kumilos tayo. Dapat magsalita tayo. Dapat ang lahat ng mga artista iparinig ninyo nawala sa atin,” sabi ni Coco.

Sa isang video, kinuwestiyon ni Coco ang mga nag-utos ng pagppapatigil sa broadcast ng Kapamilya nework. Ibinida din ni Coco ang ginawa daw ng ABS-CBN sa pagtulong umano laban sa coronavirus disease 2019 (covid-19).

“Kaming mga artista, walang nagsabi sa amin at nagpilit kahit buhay namin ang kapalit (sa pagtulong). Kung manonood kayo ng balita. halos lahat ng artista nasa labas… Kasi ‘yung hindi nagagawa ng iba (na pagtulong), kami na ang gagawa, kasi nakakahiya naman sa inyo… Kami pong mga artista at ABS-CBN, kami ang isa sa pinakamalalaking buwis na nagbabayad sa ating bansa,” saad pa ng Kapamilya actor.

Pinagdiskitahan din ni Coco ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na may 31,000 na Pilipinong trabahador at ikinumpara sa ABS-CBN na mayroon daw 11,000 na empleyado. Sabay pahapyaw din sa Duterte Government ang naging birada ni Coco.

“Ano po ba ang uunahin natin ngayon? Tanggalin ang kumpanya na tumutulong sa ating kapwa o sugal na pinapasok sa ating bansa. Buti pa ang POGO, pinaglalaban niyo. Itong kumpanya na tumutulong sa tao, pinasara niyo. Ano iyon? Tapos ang mga tao tuwang-tuwa kayo na nawala ng trabaho ang 11,000… Ano sabi ni Harry Roque,’Oh! Pumila kayo sa DOLE’. Eh ang buong Pilipinas nga hindi niyo ma-supplayan… bago matapos ito ay masabi ko kung ano ang totoong nararamdaman ko sa inyo,” ani Coco.

Source: ABS-CBN | Business Mirror

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: