Local News

Business Permit ng mga Nagbenta ng OVERPRICED N95 MASK, Maaaring Kanselahin – Manila Govt

Maglalabas ng show-cause orders si Manila City Mayor Francisoco “Isko Moreno” Domagoso laban sa mga negosyante na nagbenta ng overpriced na N95 masks.

At kung hindi makakapagpaliwanag ang mga medical supply shops sa ginawa nilang pananamantala ay maaaring makansela ang mga business permits ng mga ito.

Nakatanggap ang opisina ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ng mga sumbong patungkol sa ilang negosyante na nananamantala sa kalamidad dulot ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

“Huwag naman po natin gamitin ang panahon na ito para manamantala. Tandaan po natin, delikado po sa kalusugan nila ito… Ayaw ko pong makakita ng pasyenteng may asthma na itinakbo sa ospital dahil lang hindi siya makahanap o makabili ng mask,” sabi ni Vice Mayor Lacuna-Pangan.

Maging ang Department of Trade and Industry (DTI) ay nakatanggap din ng sumbong tungkol sa mga overpriced na N95 mask.

“It has been reported that some retailers have jacked-up their prices of face masks and gas masks, taking advantage of the surge in demand of these products due to the recent eruption of Taal Volcano,” sabi ng ahensiya.

Nagbabala ang DTI na hindi sila mangingimi na kasuhan ang mga nananamantala sa kalamidad.

“DTI will not hesitate to file administrative and criminal charges against unscrupulous business entities and individuals, who capitalize on the consumers’ urgent need for their own profit… Those found to have unreasonably increased their prices for gas masks, face masks and other similar items, which act is tantamount to profiteering, shall be dealt with to the fullest extent of the law,” banta ng DTI.

Ayon sa ilang sumbong, ang mga N95 mask na binebenta dati sa halagang P20 hanggang P30, ngayon ay ibnebenta ng mga mapagsamantalang negosyante sa halagang aabot P200.

Ang N95 mask ay ginagamit upang mahadlangan ang pagkakalanghap ng mga hazardous particles.

Source: Manila Bulletin | Manila Public Information Office | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén