Local News

Butata? DU30 Govt’s DOTr, Sinagot si Grace Poe!

Nitong Miyerkules, kinuwestiyon ni Senadora Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) patungkol sa kalagayan ng Metro Rail Transport-3 (MRT-3).

Banat ng senadora, parati na lang daw nagkakaroon ng problema sa tren at tila lumalala pa. Kailangan daw magpaliwanag ng DOTr sa mga tao.

“Halos linggo-linggo na ang aberya sa MRT. Bakit parang lumalala pa ang kundisyon ng train habang kinukumpuni ito?… The DOTr should explain to the people how it intends to solve this to allay the fears of the passengers,” boladas ni Poe.

Dahil sa naging pahayag ng senadora, sumagot ang DOTr sa kanilang social media page at tila binutata ang mga boladas ng senadora na lummulubha ang sitwasyon sa MRT-3. Banat ng DOTr, mas kumonti pa nga ang mga insidente ng unloading kumpara noong bago pumasok ang Duterte Administration.

“Sa isang statement na ibinahagi ninyo sa media, sinabi niyo po na kinakailangang magpaliwanag ang DOTr dahil sa “lumalalang kondisyon” ng MRT-3.

Una, nais po naming liwanagin, once and for all, na hindi totoong mas lumalala ang estado ng MRT-3 ngayon.

Sa katunayan, malaki ang ibinaba sa bilang ng unloading incidents sa MRT-3 kumpara noong mga nakaraang taon. Mula Enero hanggang Hunyo 2016, bago pumasok ang administrasyong Duterte, nakapagtala ng 333 unloading incidents ang MRT-3, kumpara sa 14 unloading incidents lamang na naitala mula Enero hanggang Hunyo ngayong 2019,” sabi ng DOTr.

Kahapon ay napaulat na nagkaroon ng offloading ng 850 na pasahero sa MRT-3. Nilinaw ng DOTr na nangyari ito dahil sa pagsandal ng pasahero sa isa sa mga pintuan ng tren.

“Para rin po sa kaalaman ng ating butihing senadora, ang huling nangyaring unloading incident ng MRT-3 ay bunsod ng door failure, na resulta ng pagsandal ng mga pasahero sa pintuan ng tren,” sabi ng DOTr.

Binida din ng DOTr ang ibinaba ng service interruption sa MRT-3. Kung noong Enero – Hunyo 2016 ay nakapagtala ng 31, simula noong Enero – Hunyo 2019 ay mayroon na lamang 12.

Ayon pa sa DOTr, patuloy nilang sinosolusyunan ang mga problema sa MRT-3 na ilang taong hindi natugunan.

Nakalakip din sa social media post ng DOTr ang MRT-3 statistics.

Source: DOTr | Inquirer | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén