Local News

Calida, Nakakuha ng Pruweba na Nagsinungaling ang ABS-CBN tungkol sa 11,000 na Empleyado!

Noong nakaraang buwan ay naging laman ng balita ang direktiba ng National Telecommunication Commission (NTC) sa ABS-CB para tumigil sa pag-ere dahil sa pagkapaso ng prangkisa nito.

Ilan sa mga ginagamit na paraan ng Kapamilya network para makakuha ng simpatya sa publiko ay ang pagsangkalan sa mga empleyado nito. Isa sa mga isyu na inilulutang ng ABS-CBN ay kawalan ng trabaho ng diumanoy 11,000 na empleyado nito dahil sa shutdown.

Sa ulat ni Jomar Canlas ng The Manila Times, lumabas na nakakuha si Solicitor General Jose Calida ng opisyal na dokumento mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagpapakita ng totoong numero ng empleyado ng ABS-CBN Corp. at ABS-CBN Convergence na nagbabayad ng pay withholding tax.

Sabi ni calida, naipapakita daw sa dokumento na 4,501 lang talaga ang empleyado ng Kapamilya network at hindi 11,000.

Nagbabala na rin si Calida sa ABS-CBN na pwede silang ma-cite for perjury kung hindi nila mapapatunayan na 11,000 nga ang kanilang manggagawa.

Source: The Manila Times

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: