Local News

“Cayetano, Hindi ka Kinatawan ng ABS-CBN!” – Veteran Broadcaster

Sa pagsisimula ng Mayo ay nakatanggap ang ABS-CBN ng direktiba mula sa National Telecommunication Commission (NTC) upang ipatigil ang kanilang pagbo-broadcast. Ilang araw lang ang nakalipas ay nag-apruba naman ang kongreso ng panukalang batas para magbiyan ang ABS-CBN ng provisional o temporary franchise hanggang October 2020.

Ang hakabang na ito nina House Speaker Alan Peter Cayetano at ng mga kasamahan niya sa kongreso ay binatikos ng beteranong broadcaster na si Mike Abe.

“Speaker Cayetano, kayo po ay kinatawan ng taon bayan, hindi po kinatawan ng ABS-CBN,” sabi ni Abe.

Insulto din daw na maituturing ang gustong palabasin ng mga kongresista na ABS-CBN lang ang pwedeng maghatid ng balita sa panahon ng kalamidad.

“Hindi kapani-paiwala at hindi nating pwedeng matanggap. Nakaka-insulto ‘yung ginawa ng kongreso sa totoo lang. Alam ho ninyo, ako ho ay 3 dekada na sa broadcasting. Napakarami ho ng mga broadcaster at himpilan ng radyo at telebisyon sa Pilipinas. lahat po iyan ay may mga prangkisa na binigay ng kongreso. Kaya nakaka-insulto na ang dahilan nila Cayetano at ng mga kaalyado niya ay dahil may crisis. Kailangan daw ang ABS-CBN sa paghahatid ng balita sa ating bansa. ‘Yun po ang nakaka-insulto. Para gustong palabasin na ‘pag walang ABS-CBN, walang malalamang balita ang taumbayan. Malaki pagkakamali iyan… Maliwanag na nagiging one-sided ang ating mga kongresista at mga senador,” dagdag pa ni Abe.

Giit pa ng beteranong broadcaster, mas marami daw na mga istasyon ang may kakayahan na maghatid ng importanteng balita sa taong bayan. Ilan sa mga networks na ginawang halimbawa ni Abe na may kakayahan na magbigay ng impormasyon sa tao ay ang GMA 7, government stations at SMNI.

Magugunita na kamakailan lang ay naghain si Presidential son at deputy speaker Paolo Duterte ng resolusyon para imbestigahan ang mga posibleng paglabag ng Kapamilya network sa kanilang prangkisa.

Source: SMNI | SMNI | Politiko | DZAR

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: