Local News

Cebu Drug Lords, Gaganti? Mamimigay ng P20,000 Kada Patay na Pulis?

Bineperika na ng kapulisan ang raw information na natanggap nila tungkol sa pinaplanong pagganti ng mga drug lords sa Cebu. Ayon kay Cebu Provincial Police Office (CPPO) Director Senior Supt. Manuel Abrugena, magbabayad daw ang mga drug lords ng P20,000 sa bawat pulis na mapapatay. Natanggap umano nila ang impormasyon matapos ang ginawa nilang sunod-sunod na anti-drug operations sa naturang lugar. Dahil daw sa walang-humpay na kampanya kontra-droga sa buong probinsiya, lubos na naapektohan ang kalakaran ng bawal na gamot sa lugar. Madami-daming pulis na rin ang nakakatanggap ng pagbabanta.

Titignan na rin ng kapulisan ang ilang ulat tungkol sa mga opisyal sa Talisay City na tumatanggap umano ng protection money mula sa mga drug lords. Pinayuhan naman ni Abrugena ang mga tauhan niya na maging mapagmatyag dahil parte ito ng kanilang trabaho bilang pulis.

“I have advised the men and women of the CPPO not to be affected by the threats and remain vigilant. Threats are part of their job,” sabi ni Abrugena

Naawa ang ilang kababayan natin sa mga matitinong pulis kung sakaling maging totoo ang raw information na ito. Kaya ang ilang sa mga netizens ay nananawagan na ipatupad ang martial law sa buong Pilipinas para masugpo na ng husto ang mga personalidad sa likod ng kalakaran ng droga.

Source: PNA | Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan

Leave a Reply