Local News

“Censhorship” ng Facebook sa Pro-Govt Pages, Iimbestigahan ng Senado!

Kung ang kongreso ay may ikinakasang imbestigasyon laban sa Facebook dahil sa pagbura nito sa mga advocacy pages na nagsisiwalat sa mga kahayupan ng mga rebeldeng komunista, nagsumite na rin si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ng resolusoyn sa senado upang siyasatin ang ginagawa pagtanggal ng social media giant sa mga pages na sumusuporta sa adobokasiya ng gobyerno.

“There is an urgent need for the Senate to investigate the censorship done by Facebook… It affects not only the peace and order, and security of our country, but likewise greatly affects every Filipino’s freedom of expression as guaranteed by the Philippine Constitution… The censorship campaign against child recruitment of the communist terrorist group could hamper the efforts to prevent the spread of violent extremism in the country,” sabi ni Senador Bato.

Magugunita na nitong nakaraang mga araw ay pinutakte ng mga mainstream media ang balita patungkol sa pagtanggal ng Facebook sa mga pages na konektado sa militar at kapulisan. Isa sa mga inalis ng tech company ay ang page na “Hands Off Our Children” o HOOC, isang samahan ng mga magulang na nawalan ng anak dahil sa pangre-recruit ng mga rebeldeng komunista.

Magugunita na sa isang public address ay binanatan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang social media giant.

“Itong Facebook naman, pati ‘yung advocacy ng gobyerno, tinatanggal. So what’s the purpose of you being here? We allowed you to operate here, hoping that you could help us also.. Now if the government cannot advocate somthing which is for the good of the people, then what is your purpose here in the country,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: