Local News

Panoorin: Chess Grandmaster Eugene Torre, Pinatunayan ang Lubos na Suporta ng DU30 Govt sa mga Atletang Pinoy!

Kahapon ay kinuwestiyon ni Senador Franklin Drilon ang cauldron na gagamitin sa South East Asian (SEA) Games na gaganapin sa Pilipinas. Kinuwestiyon ni Drilon ang P50 million na pagpapagawa nito.

Dinepensahan naman ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang cauldron at sinabing ito ay “work of art” at isa din daw itong monumento. Paliwanag pa ni Cayetano, mas mahal pa nga raw ang mga cauldron na pinagawa ng Sinagpore noong ito ang nag-host ng SEA Games.

“The cauldron is not one of the symbols — it’s the symbol of the games, whether it’s Olympic games or SEA Games… It’s a work of art. While some people see it as a cauldron, we see a monument. We see the athletes, we see the burning flames that represent hope and the fighting spirit. We think it is just appropriate,” resbak ni Cayetano.

Sumawsaw naman sa isyu ang mamamahayag at dating atleta na si Gretchen Malalad. Banat ni Malalad, hindi daw nabibigyan ng pondo ng gobyerno ang mga atleta Pilipino pero nakapagpagawa ng P50 million na cauldron. Si Malalad ay dating karate gold medalist noong 2001, 2003 at 2005.

“Walang budget! Walang budget! Hindi na-approve. ‘Yan lagi naririnig ng mga atleta kapang nag-request ng funds for training anf exposure abroad. Pero may budget ang gobyerno para sa sa P50 m na kaldero,” boladas ni Malalad.

Ang mga pinagsasabi ni Malalad ay napabulaanan na mismo ni Filipino Chess Grandmaster Eugene Torre. Sa kanyang panayam kamakailan lang kay OWWA Deputy Administrator Mocha Uson, sinabi nito na lubos ang suportang natatanggap ngayon ng mga atletang Pilipino mula sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Malaking-malaki ang deperensiya po (ngayon). Dati ay kulang ang suporta (ng mga nakaraang administrasyon), pero ngayon ramdam na ramdam naming mga atleta at mga coaches ang full support ng ating gobyerno sa pangunguna ni Presidente Rodrigo Roa Duterte,” sabi ni Torre.

“Lahat naman iyan na opisyales natin sa sports ay nagsusunuran, once na may kumpas ng ating Presidente. Kung baga sa chess ay ‘yung king ang nagpapagalaw. Kaya maraming salamat ho sa ating mahal na Presidente sa kanyang full support sa Philippines sport,”dagdag pa ni Torre.

Source: MUB | CNN Philippines | News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: