Local News

China, Gustong I-cremate ang Coronavirus Patients na Nasawi!

Puspusan ang trabaho ngayong ng mga crematoriums sa China upang matapos ang gawain kaugnay sa pagkalat ng coronavirus. Kamakailan lang ay lumabas sa mga ulat na umakyat na shigit ang nasasawi dahil sa naturang sakit.

Ayon sa ulat ng Daily Mail, gustong sunugin ng National Health Commission ng China ang mga katawan ng mga pumanaw imbes na ilibing.

Base sa panayam sa crematorium worker na si Mr. Yun, 100 body bags ang kailangan araw-araw. Para makolekta ang mga katawan sa mga ospital sa Wuhan City. China. Ipinaliwanag din ni Mr. Yun na nahihirapan na ang mga punenariya.

“Since Jan. 28, 90 percent of our employees are working 24/7 … we couldn’t go back home… We really need more manpower… Almost all staff at each funeral home in Wuhan are fully equipped, and all Wuhan cremation chambers are working 24 hours,” sabi ni Mr. Yun.

Binigyan daw si Mr. Yun at ng mga kasamahan nito ng mga protective suits upang hindi mahawaan ng coronavirus o anumang sakit. Ngunit kapag suot daw nila ang mga suits ay hindi na raw sila makakain o makapunta sa palikuran dahil kailangan nilang tanggalin ito. ANg mga protective suit ay isang gamitan lang.

“For us who transfer the bodies, we don’t eat or drink for a long time in order to preserve the protective suit, because we need to take off the protective suit whenever we eat, drink, or go to the bathroom. The protective suit can’t be worn again after being used,” ani Mr. Yun.

Nagsagawa na ang gobyerno sa China ng lockdown sa mga sistema ng trasportasyon sa Wuhan upang hindi na lalong kumalat ang sakit. Sa ngayon ay nakatawid na sa ibayong dagat ang karamdaman.

Kamakailan lang ay itinuring na ng World Health Organization (WHO) na “global health emergency” ang coronavirus outbreak. Kahit ganun pa man ay pa nilang tawagin na “pandemic” ang sakit.

Source: Daily Mail | News.Com.Au

Leave a Reply

Theme by Anders Norén