Local News

China, Niloko ang Mundo tungkol sa COVID-19, ayon sa West Intel Documents!

Sa 15-pahinang dokumento mula sa mga intelligence agencies ng New Zealand, Australia, Canada, United Kingdom at United States o (Five Eyes intelligence alliance), intensyonal daw na tinago o sinira ng bansang Tsina ang mga ebidensiya patungkol sa coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak bago pa humantong sa pagkamatay ng libo-libong tao sa buong mundo. Inilarawan din ang ginawa ng China na “assault on international transparency”.

Ilan pa sa mga nilalaman ng dokumento ay ang pagpapatahimik (o pagkawala) ng mga doktor sa China na nagsasalita tungkol sa covid-19, pagwasak sa mga ebidensiya sa laboratoryo nito at ang hindi pagbibigay ng live samples ng covid-19 sa mga international scientist para makagawa ng bakuna. Kasama din ang naunang pahayag umano ng China na walang human-to-human transmission ang virus kahit na may ebidensiya na ng human-to-human transmission sa unang bahagi pa lang ng Disyembre 2019.

Nakasaad din sa dokumento ang pag-censor umano ng China sa mga balita na may kaugnayan sa covid-19 sa mga search engines at social media mula noong Disyembre 31. Ipinabura din daw ang mga terminong “SARS variation,” “Wuhan Seafood market” at “Wuhan Unknown Pneumonia.”

Ayon pa sa mga doukmento, moong Enero 3 ay ipinag-utos ng China’s National Health Commission na sirain ang mga virus samples o ilipat sa ibang testing facilities. May direktiba din daw ito na “no-publication order”.

Ang Municipal Health Commission ng Wuhan ay ipinahinto naman ang paglalabas ng daily updates tungkol sa mga naitatalang bagong covid-19 cases noong Enero 5. Muli lang ibinalik ang pagbibigay ng updates matapos ang 13 araw.

“[throughout February], Beijing [pressed] the US [sic], Italy, India, Australia, Southeast Asian neighbours [sic] and others not to protect themselves via travel restrictions, even as [China] impose[d] severe restrictions at home,” sabi pa sa intel dossier.

Magugunita na sinabi ni US President Trump na may nakita siyang ebidensiya na ginawa ang covid-19 sa laboratoryo.

Source: FOX NEWS

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: