Local News

Citizen Trillanes, Nagsalita na Tungkol sa Kasong Sinampa sa Kanya at kay Leni!

“political persecution and harassment,”

Ganito inilarawan ni former senator Antonio Trillanes ang kasong isinampa kahapon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) laban sa kanya, kay Vice President Leni Robredo at ilang miyembro ng oposisyon.

Ayon kay Trillanes, naabuso at nagagamit sa hindi tama ang kapangyarihan ng PNP-CIDG.

“The filing of cases against key members of the opposition are clear acts of political persecution and harassment by the Duterte administration meant to stifle democratic dissent… The PNP-CIDG (Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group) investigators clearly abused and misused the subpoena power recently bestowed on them to single out critics of the Duterte administration,” sabi ni Trilanes sa isang pahayag.

Sabit din sa reklamo ang ilang personalidad sa simbahan at ilang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ang kasong kinakaharap nila Trillanes ay kaugnay sa black propaganda videos laban sa pamilya ni Presidente Rodrigo Duterte na ipinakalat noong panahon ng kampanya. Sa videos series na may pamagat na “Ang Totoong Narco List”, ikinokonekta ang first family sa kalakalan ng iligal na gamot. Pati ang bunsong anak ni presidente Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte ay hindi pinatawad ng mga utak ng nasabing mga videos.

Noong mga huling bahagi ng Abril ay lumantad si Peter Joemel Advincula sa pasilidad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) para aminin na siya si “Alyas Bikoy”, ang lalaking nagsasalita at nag-aakusa sa Pamilya Duterte sa video series. Sa kanyang unang paglitaw, idiniin ni Advincula ang pamilya ng Presidente sa droga.

Pero matapos ang eleksyon ay nagpakita muli si Advincula sa publiko at pinasinungalingan ang mga naging una niyang pahayag laban kay Pangulong Duterte. Itinuro din ni Advincula ang ilang miyembro ng oposisyon na nasa likod umano ng black propaganda videos laban sa mga Duterte.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén