Local News

Classrooms ng Kabataan, Sinunog ng mga “NPA” habang Binabayo ng Lindol ang Mindanao!

Tatlong itinatayong silid-aralan ang sinunog ng mga pinaniniwalaang New People’s Army (NPA) sa Malapatan town, Sarangani province. Nangyari ito noong Oktubre 30 habang ang Mindanao ay nakararanas ng mga pankanakang mga lindol at aftershocks.

Ayon sa ilang mga saksi, hindi bababa sa 10 NPA ang sumugod sa lugar at sinindihan ang mga silid-paaralan. Ang mga kawatan ay pinapangunahan ng “Dawang brothers”.

Sinilaban din ng mga salarin ang mga kagamitan para sa konstruksyon ng silid-aralan. Agad namang nagpulasan ang mga salarin matapos ang ginawa nilang kabalbalan.

“This is very unfortunate because the classroom was being built for the IP schoolchildren there,” sabi ni Lt. Col. Teody Condesa, spokesperson of the Sarangani Police Provincial Office.

Dagdag pa ni Condesa, umabot sa P2.5 million halaga ng mga nasunog ng NPA.

Magsasagawa naman ng pursuit operations ang Army’s 73rd Infantry Battalion laban sa mga rebeldeng komunista.

REAKSYON NG KABATAAN PARTYLIST, HINIHINTAY

Sa isang social media post, binanatan ng abogado at pro-government blogger na si Attorney Trixie Cruz-Angeles ang Kabataan Partylist.

“So… Kabataan partylist. Will you also call out the NPA for burning down the schools? O DepEd closures lang ang ino-oppose ninyo?” resbak ni Atty. Trixie.

Kalakip ng post ni Attorney Trixie ay isang news item kung saan inalmahan ng Kabataan Partylist ang pagpapasara ng Duterte Government sa mga lumad schools.

Magugunita na ipinasara ng Department of Education (DepEd) ang ilang lumad schools dahil hindi nakasunod ang mga ito sa requirements na itinakda ng pamahalaan. Base din sa mga impormasyong nakalap ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, natuklasan na nagtuturo ang mga ipinasarang lumad schools ng paglaban sa gobyerno.

“That’s the appropriate thing to do. It’s not about permits or compliance to requirements but the morality of maintaining it knowing that it is destroying our indigenous children,” sabi naman ni Major General Antonio Parlade Jr.

Source: Philippine News Agency | CNN Philippines | Luminous | Philippine News Agency

Leave a Reply

Theme by Anders Norén