Local News

Panoorin: “Cloth Mask, Walang Kwenta laban sa Coronavirus” – Dr. Salvana

Ayon kay National Institutes of Health (NIH) Institute of Molecular Biology and Biotechnology Director Dr. Edsel Salvana, ang mga face maks na gawa sa tela ay walang kakayahan para protektahan ang isang indibiduwal laban sa 2019 novel coronavirus – acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).

Paliwanag ng doktor, walang filters ang mga cloth masks tulad ng mga surgical masks.

“Ang cloth mask hindi gumagana dahil walang filter. Akala niyo protektado kayo, hindi pala,” sabi ni Dr. Salvana.

Nanawagan ang doktor sa publiko na gumamit ng surgical mask kahit wlang nCOv basta nakakaramdam ng sintomas ng trangkaso.

“Kahit walang nCoV parang awa niyo na kung may sakit kayo mag-surgical mask kayo,” payo ng doktor.

Iginiit din ni Dr. Salvana na hindi dapat mag-hoard ng N95 masks dahil ito ay ginagamit ng mga medical health workers na nag-aalaga sa mga pasyenteng may tuberculosis.

“Ang N95 masks ang gumagamit lang po niyan ay doctor dahil kailangang ma-fit nang maayos… Subukan niyo huminga sa N95 masks. Ako hindi ako lumalampas ng sampung minuto pumapasok ako para tumingin ng pasyente na may tuberculosis, yun po ang ginagamitan ng N95… Kapag binili niyo lahat ng n95 sa merkado, wala na magagamit ang doktor para tumingin ng pasyente,” dagdag pa ni Dr. Salvana.

Ang coronavirus ay pinaniniwalaang nagmula sa isang wildlife market sa Wuhan City, China. Sa ngayon ay mabilis na kumakalat ang sakit at nakatawid na rin ito sa ibayong dagat. Libo-libo na ang nahahawaan at umabot na din sa lagpas 200 ang nasasawi dahil sa karamdaman. Kahapon ay inanunsyo na ng Department of Health ang ika-3 pasyenteng nag-positibo sa coronavirus sa Pilipinas.

Source: Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén