Local News

COA, Nagamit sa Pamumulitika ng Nagbabalak Kumandidato sa 2022! – Marcoleta

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Congressman Rodante Marcoleta na malinaw na naggagamit ang ulat ng Commission on Audit para sa pamumulitika ng ilang personalidad na nagbabalak kumandidato sa 2022 election.

Inisa-isa din ni Marcoleta ang mga pagkukulang ng ilang opisyal ng Aquino Administration na natukalasan ng COA pero hindi tinutukan ng media at hindi inimbestigahan sa senado. Kaya kinuwestiyon ni Marcoleta ang imbestigasyon na nangyayari ngayon sa senadon pitong buwan bago ang eleksyon.

Giit pa ni Marcoleta, nasira ang Department of Health matapos maglabas ang COA ng audit report at huli na nang nilinaw na walang nawawalang pondo.

Ilan sa mga bumoboladas laban sa Duterte Administration patungkol sa diumano’y korapsyon ay sina Senador Ping Lacson, Dick Gordon at Manny Pacquiao, ang tatlo ay napabalitang tatakbko sa 2022 presidential elections.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: