Local News

COA, Pinuna ang Milyon-Milyong Halaga ng mga Proyekto ni Leni!

Pinuna ng Commission on Audit (COA) ang mga projects sa Angat Buhay, ang anti-poverty program ni Vice President Leni Robredo dahil sa kawalan umano ng liquidation reports, official receipts (ORs), progress reports, at kakulangan ng clear-cut selection process.

Ayon sa COA, mayroong P44.664 million total allocation si Robredo para sa Angat Buhay projects na nakalaan sa 29 na munisipyo noong 2018.

Base sa ulat ng COA, 19 sa 29 local government units (LGUs) ay hindi nag-isyu ng mandatory official receipts (ORs). Tumanggap lang daw ang opisina ni Robredo ng sertipikasyon mula sa mga LGU officials.

“The OVP did not diligently follow up the submission of ORs, which is imprudent for a Source Agency (SA), whose fund is being disbursed. It could mean that the agency is not keen or interested in ensuring the legitimacy of its projects. Valid questions would be: Were the funds recorded in the books of the agency? If it was recorded, did the LGU record the correct amount under the correct account?” pahayag ng COA.

Hindi rin daw nakapaghain ng liquidation at quarterly reports ang Office of the Vice President (OVP) sa 12 na Angat Buhay projects na nakumpleto noong 2018 at unang bahagi ng 2019.

Ayon naman sa OVP, tumanggap sila ng certificates imbes na mga ORs dahil nag-a-adjust pa raw ang mga local government units (LGUs) sa proseso ng paglilipat ng pondo. Nangako rin ang OVP na magpapadala ng sulat sa mga LGUs para makuha ang mga ORs. Gumawa na rin daw ang OVP ng four-member project management unit na tututok sa progress report at magsisiyasat sa mga proyekto.

Source: Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén