Local News

“Coco, Maraming Maliliit na Artista na Ginagamit mo!” Dating Cast ng Ang Probinysano, Nagbunyag ng Baho!

Matapos magsalita si Coco Martin laban sa gobyerno dahil sa pagpapahinto sa ABS-CBN na umere, ilang personalidad naman ang rumesbak sa Kapamilya actor.

Isa na dito ang nagpakilalang dating cast ng programang “Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco.

“Coco, direk, mayaman ka na kahit hindi ka na magtrabaho. Sabi mo nga sa interview sa iyo ni Boy Abunda, hindi ka na maghihirap. Eh paano ‘yung mga talent mo, mga goons, mga kontra-bida, bodyguards, foreign-noy, lahat kami gumaganap sa FPJ ‘Ang Probinsyano’. Pero lahat ba kami ay natulungan mo? Hindi. Marami ang maliliit na artista na kinuha mo ang ginagamit mo rin,” sabi ng lalaki.

Binunyag ng lalaki na 30% ang binabawas sa talent fee ng mga maliliit na cast ng programa pero ang mga care taker umano ni Coco na kumuha ng mga talents nanggigipit pa daw sa swelduhan.

Inalmahan din niya ang pagkain sa set ng nasabing programa. Hinalintulad niya ang ito sa pagkain ng mga preso. Ayon pa sa lalaki, wala daw malasakit ang Kapamilya actor sa mga maliliit na cast.

“Sa pagkain, masasabi ko sa’yo, hindi kami preso. Isa pa, umulan at umaraw, wala kaming masilungan sa set kasi masyado kang busy. Kahit magpakuha ng picture, may diskriminasyon pa rin sa’yo. Nanggaling ka rin sa maliit, ngayon naging mataas ka na di ba? Sumikat ka na, mayaman ka na… Wala kang malasakit. Hindi mo pinansin ang maliliit na artista. Sabi mo natulungan mo, kasi mayroon camera pero sa likod ng camera, hindi mo na alam iyon,” banat pa ng lalaki.

Nitong ika-5 ng Mayo ay pinahinto ng National Telecommunication Commission (NTC) ang ABS-CBN sa pagsasahimpapawid dahil sapagkapaso ng prangkisa ng istasyon. Isa si Coco sa mga artista na nagsalita sa naging hakbang ng pamahalaan laban sa Kapamilya network. Umani si Coco ng batikos sa mga netizens dahil sa mga pinagsasabi nito laban sa ahensiya ng gobyerno.

Source: Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: