Local News

Coco Martin, Nawalan ng Endorsements Matapos Mag-Rant dahil sa ABS-CBN Shutdown!

Sa pag-uumpisa ng Mayo ay naging tampok sa mga balita ang pagpapahinto ng National Telecommunication Commission (NTC) sa ABS-CBN na umere dahil sa pagkapaso ng prangkisa ng istasyon.

Kasabay nito ay naging laman din ng social media ang pagsasalita ng mga Kapamilya talents para depensa ang kanilang network.

Isa sa mga nag-viral ay ang rant ni “Ang Probinsyano” star Coco Martin. Sa kanyang pagsasalita sa tungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise. Dumating pa sa punto na sinabi ni Coco na handa na raw siyang makipagbasagan ng mukha sa mga natutuwa sa pagpapahinto sa pag-ere ng Kapamilya network.

“Kaming mga artista, walang nagsabi sa amin at nagpilit kahit buhay namin ang kapalit (sa pagtulong). Kung manonood kayo ng balita. halos lahat ng artista nasa labas… Kasi ‘yung hindi nagagawa ng iba (na pagtulong), kami na ang gagawa, kasi nakakahiya naman sa inyo… Kami pong mga artista at ABS-CBN, kami ang isa sa pinakamalalaking buwis na nagbabayad sa ating bansa,” sabi ni Coco.

“Sige Kim, nasa likod mo kami. ‘Wag kang matakot sa mga ‘yan. Puro lang satsat ang mga ‘yan. Wala na tayong trabaho, pwede na tayong makipag-basagan ng mukha,” saad ni Coco sa isa pa niyang social media post.

Ngayon ay may lumabas na ulat na nawawalan na si Coco ng mga endorsement dahil saginawa nitong “ranting”. GUmagawa na raw ng paraan ang kampo ng aktor para makakuha ng suporta. Magugunita na matapos mag-rant si Coco ay inulan ito ng batikos.

Ayon sa journalist na si Ambet Nobus, may mga on-going endorsement daw at isang “big summer product launch” ang walang parang bula dahil na-turn off daw ang mga ito sa inasta ng actor.

Source: Abante | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén