Local News

ABS-CBN Actor Coco Martin, Niregaluhan ng Luxury Brand Gucci si Angelica Panganiban!

Hindi napigilan ng mga netizens na mamgbigay ng opinyon sa iniregalo ng aktor na si Coco Martin sa kpwa artista nito na si Angelica Panganiban.

Sa ulat ng ABS-CBN, mapapanood si Martin na nagbigay ng luxury item kay Panganiban. Ang naturang regalo ay isang tableware set mula sa brand na Gucci. Makikita na hawak-hawak ng aktres ang isang plato na may “cat print”. Ayon sa ABS-CBN at sa mismong website ng Gucci, ang plato ay nagkakahalagang $310 o P15,000.

“Buti pa si Coco Martin, kahit walang makain may pambili ng Gucci na pangregalo,” sabi ng University Lecturer na si Sass Rogando Sasot.

“See pag artista ang nagsalita 99.99%, acting lang. hahaha,” banat naman ng twitter user na si @brymac9168.

Magugunita na noong kasagsagan sa pagpapatanggal sa ere ng ABS-CBN, isa si Martin sa nagsalita laban sa naging hakbang ng pamahalaan. Ayon sa aktor, paano daw niya papakainin ang pamilya niya.

Source: ABS-CBN | ABS-CBN | Sass Rogando Sasot

Leave a Reply

Theme by Anders Norén